Sunday, May 5, 2013

MCDO ......OLD AND GREY

ECHOSERANG SERIES ....' MCDO ..OLD AND GREY"..ang MCDO sa aking pagtanda

minsan, pagkagaling ko ng trabaho, dumirecho na ako ng mcdo. pag tinatamad kse ako magluto ng agahan, at lampas 8am na ako nakakauwi (from night shift), sa mcdo na lang ako nagb-breakfast. umorder ako ng usual breakfast meal ko pag mcdo ako kumakain. isang order ng pancake and sausage meal atsaka isang hamdesal with cheese.... ang drink of choice? orange juice. masarap sanang mag-kape, kaso baka hindi na ako makatulog.

dahil alone akong nag-breakfast (hubby went to work already), kalimitan ang ginagawa ko habang kumakain ay pinapanood ko ang iba pang taong nasa loob ng mcdo (read, wala pa kaming sampu ng oras na to). naaliw lang ako kse meron isang matandang lalaki na pumasok, bitbit ang 2 helmet na pula. obviously, sakay sya ng motorsiklo papunta ng mcdo. umupo sya sa isang mesa, malapit sa akin. parang may hinihintay. napaisip naman ako at nasabi sa sariling: “don’t tell me naghihintay sya ng ka-date. kse baket 2 yung helmet na bitbit nya di ba?” mukha na syang lolo. naka-shorts na asul, white na shirt at naka-rubber shoes.

diretso lang ako sa pagkain ko nang may nakita akong pumaradang SUV malapit sa harap ng bintanang kinap-pwestuhan ko. nakita ko bumaba ang 5 oldies din. 2 guys and 3 girls. tapos pumasok din sa mcdo. dun ako naaliw. kse mukhang magba-barkada pala sila ng naunang lolong napansin ko pagpasok pa lang. after a number of exchanged handshakes, pumunta silang lahat sa counter to order their breakfast.

hindi ko alam kung baket sila nagkita-kita dun. kse pagka-upo naman nila e nagbasa lang din muna sila ng mga dyaryo (kse di ba may free inquirer sa mcdo pag breakfast?). pinanood ko pa sila ng konti. hanggang sa matagal na palang ubos ang breakfast ko at naramdaman ko na ang tawag ng kama ko.nakikinita ko nga sa kanila ang nanay ko e. i’m not saying that she’s that old! pero kse yung personalidad ng nanay ko, parang feeling ko, old age won’t stop her from going out with her friends. hahaha.

napaisip lang ako. sana pagtanda ko, ganun pa rin kami ng mga kaibigan ko. paminsan-minsan magkita-kita para mag-breakfast sa mcdo. mag-kwentuhan. sa ngayon nga, sobrang bihira na kaming magkita ng mga kaibigan ko. siguro dahil mga busy na kami sa mga buhay-buhay namin.

one time, sa wake ng mom ng isa kong k-batch, kasabay namin nagpunta isang grupo din sila from the 70s. ang mga kwento nila, yung mga anak nila eh mga nagt-trabaho na rin. wala na sila mashado pinagkakaabalahang mga anak na papasok sa school. so yung natigil daw na pag-gimik nila when they had kids, resume lang din daw kse malalaki na ang mga anak nila. sabi pa ng isa, after the wake daw, inom muna sila. o di ba nakaka-aliw? nung minsang nakasabay namin sila sa isang activity/function, taob kami kse pale pilsen ang gustong beer at hindi sanmig light. hah.

i just wish when i’m all wrinkly at panget na ang posture (read: kuba — kse i don’t drink milk. osteoporosis, here i come!) magkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. i’m sure, our table will be the loudest pa rin. hahaha.

No comments: