Saturday, April 27, 2013

KUTIS PORSELANA ALA ARINOLA

Anybody who has gone Manila and went back home to the prabins are told that they have a whiter complexion. (Kala mo naman totoo, binobola ka lang ng mga kamag-anak mong yan. Mangungutang ’yan. Ha ha!) I don’t know where on madapacking sheet this urban tsismis came from. Siguro ‘yung chlorine sa tubig ng Maynilad, o ‘yung palagiang pagpapalamig sa mga mall.
Nakakaputi rin talaga sa Manila lalo na ’yung mga nakatira sa ilalim ng tulay saka estero. Sa init ba naman ng temperature under the bridge, at ang mga noxious chemicals sa estero, e talo mo pa gumamit ng pinakamalakas na astringent para magbakbak ang balat mo at pumuti. At ang traffic, men mamumuti ang mata mo sa pag-usad along EDSA. Usong uso din dito sa Maynila ang mga facial spa saka dermabrasion churba. Kung anu-anong pinaghalu-halung ingredients na parang putik (galing lang naman ’yun sa estero sa Tondo saka Pasay), tapos sasabihing mud spa. Ilang oras na mababanat ang pagmumukha at unti-unting magka-crack ang old skin to reveal a newer one, parang molting stage ng mga anaconda. ‘Yung dermabrasion, para din lang silang gumagamit ng microscopic knives na pangtapyas sa mga old skin cells. Kung nagtitipid ka, maraming papel de liha sa Handyman o Ace hardware, pwede mong ikaskas sa skin mo ng dahan dahan.

No comments: