Thursday, April 25, 2013

GINAHASA AKO ...sa mrt

THE MRT DILEMNA.."TINULAK , NIYAKAP ...INAPAKAN'
TINULAK, nakitulak, minura!

In other words: Maraming beses na akong naitulak subalit binalewala ko lang. Sa pagkakaalam ko kasi given na 'yung maitulak ka.

One day, isang araw, naitulak ako ng isang lalaking talo pa ang kabayo kung tumakbo. Sa lakas ng tulak nya, naitulak ko tuloy ang nasa aking harapan. At nagkaroon agad ako ng isang bongang-bong...ga at malutong na "Putang ina".

NIYAKAP, yumakap, nasampal (almost lang naman).

Translation: HIndi lang isang beses kundi apat na beses na akong nayakap and still counting. In a very undesirable situation of course.

Una, isang babaeng kunyari ay nahilo sabay yakap sa akin. 'Nung nakita 'nyang geisha ang niyakap 'nya tumalikod ang gaga at nag recite ng "ama namin". Sinubukan ko rin one time na ako naman ang yumakap.

Kunyari natumba ang drama sabay hawak sa braso ng isang lalaking makisig at gwapo. Pero tuso ang pesteng yawa! Alam 'nya ang modus operandi ko. Nasa 1 pa lang ang bilang ko para sa qeue na "action" kumilos na ang gago! Ayun, si Lolo ang nayakap ko. Buti na lang di ako sinampal!

TINAPAKAN, gumanti, nasipa.

Samakatuwid: Minsan sa sobrang pagmamadali, hindi na natin iniintindi kung ebak man ang ating matapakan. Lalo na pag sobrang siksikan, hindi talaga maiiwasang mamatayan ng koko lalo na kung military boot ang suot ng lecheng aapak sa paa mo.

Tatlo sa aking pinaka-paboritong koko ang muntik ng paglamayan sa Buendia. Buti na lang nahila ko aking paa kaya isa lang ang napinsala. Twing naaalala ko ang eksenang 'yon, lagi kong naiisip ang paghihiganti kaya isang araw, habang papalabas na ako, isang paa ang humarang sa akin.

Sa pag-aakalang kakayanin ko ang pagtaboy sa luyang iyon na pagmamay-ari ng construction worker (may halong semento kasi) sa pamamagitan ng bonggang pagtapak, isang malakas na stomp your foot ang ginawa ko. Pero malakas si kuya, nasipa 'nya ako bago pa amn ako makalabas.

It was then i realized vengeance is not ours, it's from the construction worker!

Ikaw?
Anong lessons mo from riding the MRT?

No comments: