Thursday, April 25, 2013

MACHOPAPA...d' unwritten rules

Maraming unwritten rules ang pag-ibig. Hindi mo gagawin dahil hindi dapat. Para itong pag-dura ng plemang kulay green in public o pangungulangot at ipipapahid ang nasungkit sa ilalim ng lamesa o sa likuran ng upuan ng bus.

Pero hindi lang sa pag-ibig ang maraming unwritten rules, pati sa pag-pili ng lalakeng makakapareha, lalo na sa mga babae na hanggang ngayon ay natutu...log pa para managinip at mangarap na sana balang araw ay magkaroon sila ng tinatawag na “Boyfriend”.

Magbibigay ako ng tips kung paano kayong mga babae ay hindi maiisahan ng isang Rustom Padilla. Importante na pagtuunan ninyo ito ng pansin at pasalamatan ako kung may mapulot man kayong aral. Gawin ninyo itong batayan, bakit? Dahil sinabi ko.

1.Hindi dapat nag susuot ng ternong Puting sapatos at Puti Pantalon. Depende na lang kung DOM o kaya Golfer, DOM na Golfer.
2.Hindi dapat nagsusuot ng Square neck sando, V-Neck T-shirt at Itim na sando.
3.Hindi dapat BoyBand / K-Pop Fanatic – Paano nya i-rorock your world kung mas inuunahan ka pang sumabay sa mga nakakalason sa pandinig na kanta ng back street boys at one direction.
4.Hindi dapat naka-tuck in ang damit sa loob ng brief. Ang tunay na lalake ay may tae sa brief, hindi sa likod ng layayan ng t-shirt.
5.Dapat nandang mag text ng tsup tsup mwah mwah – Seryoso, madaming relasyon ang nasira dahil walang kiss ang text message.
6.Dapat Safeguard lang ang sabon ng tunay na lalake, wala silang ibang sabon para pansabon sa puwet o paa. Bukod pa ito sa nakamamatay ang safeguard ng 99% ng germs.
7.At hindi nag-coconditioner.
8.Hindi dapat nag paplantsa ng buhok para umunat ang bangs.
9.Hindi dapat nag papafacial.
10.At hindi dapat naliligo na lampas sa 15 minutes, kasama na ang pag jebs.
11.Hindi dapat nahihiyang kumain ng oat meal. Joke.
12.Hindi dapat kulay pink na braces sa ngipin.
13.Dapat nag uulit ng pantalon.
14.Hindi dapat bumibirit ng “Through the fire” sa pagligo o sa public.
15.Hindi dapat nagpapahid ng lip gloss.
16.Dapat walang alam sa chismis o showbiz at lalong walang pakialam sa Gerald – Maja – Kim Chu.
17.Hindi dapat nagbabanggit ng “Peg”, “Bet ko”, “Delicious”. Seryoso? Sinong lalake ang hindi nagpapahalaga ng dangal nya ang nag sasabi ng Bet ko? Malamang palamuti at pambalanse lang sa pag lakad ang ang Betlog non.
18.Hindi dapat nag susuot ng tsinelas na Havainas.
19.Dapat mahilig tumingin sa FHM pero hindi gagastos para bumibili ng magazine na ‘yon.
20.Hindi dapat sumasayaw ng oppah gangnam style… Nanaman.
21.Hindi nag ba-bake at walang collection ng cook book.
22.Hindi nahihiyang magkamot ng betlog.

Uulitin ko, ang mga batayan at gabay lang ito para doon sa mga babaeng naghahanap ng tunay na lalake na seseryosohin. Yung mamahalin at hindi gagawin panawid romansa ang mga tunay na lalake sa nararanasang tagtuyot. At para ito sa mga babaeng wala sa ugly zone. Kung nasa Ugly Zone ka, dream on.

Kung hindi kayo sang ayon sa mga sinabi ko sa taas, ayaw ko kayong maging kaibigan. Kung natamaan man kayo, hindi ko kayo hinuhusgahan. Babalikan ko yung lalakeng naka tuck-in ang damit sa loob ng brief, parang may misteryo talagang nakabalot sa ganung gawain. Wala naman akong nakitang babaeng naka-tuck in ang damit sa loob ng panty.

Gawin ninyo itong checklist, kapag may sablay ang tawag sa kanila ay MACHUPAPA.

No comments: