Wednesday, April 24, 2013

PAKIALAMERO

ECHOSERANG SERIES ..." TSISMIS"... mga bagay bagay at buhay buhay

Likas na sa ating mga tao ang pagiging tsismoso’t tsismosa o para magandang pakinggan, mausisa o may kuryusidad sa mga bagay bagay.

Maliban sa planking, pekpek shorts, sandong parisukat at pag-rurugby usong uso din ang pakikiaalam sa mga bagay-bagay, buhay ng may buhay, likas na paki-alamero sabi nga. Lagi tayong takot, madaling... mabagot at gustong sulitin ang mga bakanteng oras na dumadaan.

Napakatipikal na sa bawat tao na pakialamanan, magmagaling at hindi nawawalan ng masasbi sa bawat makita nating kakaiba at napakainteresante (marami kasing sobrang tatalinong tao). Bakit nga ba? Ewan. Nakaka-ngati ba ng mata’t dila kapag nakita mo ang mga tulad nang mga halimbawang ‘to:
Kagaya na lang kung may mali ba kung underwear ay pink at nagsusuot nito ay lalake.
Mga malalaswang profile pictures sa networking sites (Hindi ko na babanggitin yung nakahubad, nakadapa at nakalabas ang dila.).
Kung ilan ang populasyon ng bakla at tomboy at kung ano ang pananaw nila sa RH bill, tatangkilik ba sila ng condom.?
At dun sa mga empleyadong resign ng resign pero… di bale na nga lang, di ako interesado, nakakasawa na.
Kung yung bang nag aalok ng sun life na insurance ay bibigay pagkatapos pirmahan yung inaalok na insurance. (Di ko alam, pero ang sabi sa akin ati, she can only love me as a brother.)

Masama ba ang tsismis o hindi? Kung katanggap-tanggap ba na ang pagiging matalino sa bawat bagay at gusto mo ay may masabi palagi? Pero sigurado ako, gusto nilang maging bida ang mga pasimuno nito, sila ang mga magagaling.

Walang aamin sa atin na tayo, bilang isang tao na matawag na tsismoso’t tsismosa. Puwera na lang kung isa kang baklang mahilig sa artista kagaya ni…Lolit Solis?!? Ewan. Pero ang lahat naman na puwedeng pag-ugatan ay nababasa sa mga social media sites kagaya ng facebook.

Ang tanong, sinong mas tsismoso, ang lalake ba o babae? Hindi ko masasagot ‘yan,pero eto ang obserbasyon ko.

Kapag ang babae, nagpost sa facebook ng “In a relationship with [INSERT VERY MANLY NAME HERE]” Anong puwedeng mangyari?

1. Gagahasain ang “Like Button”.
2. Titignan ang profile mo at profile nung karelasyon mo.
3. At dudumugin ng comment ang post/status mo sa wall.Kung iisipin mo, kapag babae, 300 comments.

Pero kapag lalake naman ng nagpost sa facebook ng “In a relationship with [INSERT VERY FEMENINE AND SEXY NAME HERE]” Anong puwedeng mangyari? Sa tingin ko dalawa lang:

1. Walang papansin sayo, at virgin na virgin ang like button sa post mo. Nilalangaw ang post mo ika nga.
2. Walang comment, pero kung meron man asahan mong ang mababasa mo lang ay… “ULUL MO”. o di kaya ay, “Taena mo.”

Ayaw kong sabihin na babae ang mahilig sa tsismis, siyempre pati mga bakla din. Dahil ang naniniwala ako na ano mang ang kayang gawin ng lalake ay kayang kaya din ng babae. Sabi nga nila, kayang higitan ang ginagawa ng mga lalake. Kagaya ng mga lalake kung kaya nilang manligaw ng babae, kayang kaya din ng mga babae na manligaw ng… ewan ko… Girl Power! Yun na lang.

No comments: