Wednesday, April 24, 2013

Magpakababae Responsibly

" Babae Series...MAPAKABABAE RESPONSIBLY

Naghuhurumentado man sila kapag nireregla, galangin at pahalagahan natin sila. Dahil malungkot ang mundo kapag lahat ay nasa ayos. Aanhin natin ang perpektong buhay, walang hassle at problema? Boring ‘yon. Kailangan natin sila, at ‘yon ang katotohanan. Kailangan ang mga babae sa buhay ni lalake. Pero babala, ang babae ay babae. Ganyan na talaga ‘yan. Isa ...sa rule sa pagtrato sa babae ay intindihin sila kagaya ng mga nasa ibaba, at ang rule na ‘yan ay imbento ko lang.
Hindi sa chinchansu nakasalalay ang kagandahan ng isang babae, pangit at wala kang sex appeal kapag hindi mo naranasang sipulan at pagnasahan ng mga tricycle driver doon sa kanto.
Sa babae, walang point ang pag amin at pagsabi na “Malaki ang braso ko” kung ang suot mo ay sleeveless. “Magflex, Magpapansin Responsibly.”
Breast milk is still best for babies… and for daddies too. Pero huwag magpasuso sa pampasaherong Jeep.
Huwag mag-aksaya ng pera. Hindi savings ang tawag sa pag-papanic buying sa mga mall para makakuha ng 50% na discount sa bag, hindi nakikipag sex ang pera sa wallet, kaya hindi ito dadami.
Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, kung wala kang boyfriend, mangarap ka at magworkout. Keep dreaming and dreaming and dreaming.. So keep sleeping.
Ang make-up ay pwedeng pandagdag sa kaayusan sa hitsura, pero huwag gawing canvas o coloring book ang mukha dahil konti lang ang nakakaappreciate ng “art” sa painting lalo na kung abstract.
Makakatulong ang pagpapakita ng konting cleavage. Pero ang cleavage ay maganda sa harapan, hindi sa may puwetan. Tandaan, ang lahat ng sobra ay hindi maganda, tama na yung isang cleavage.
Hindi siya model, feeling lang ng mga babae ‘yon dahil sa instagram. Matutong tumanaw ng utang na loob sa Instagram.
Sa babae kapag ang lalake ay pangit at sinusubaybayan ka ang tawag nila doon ay stalking. Pero kung gwapo ka, hindi stalking yon, crush mo daw siya.
Kapag apat ang cellphone mo at single ka naman, anong point? “Pwede po bang pa-load miss ng Unlicall at unlitext? jejejeje”
Hindi nagdedress ang babae para magpaimpress sa lalake, nag-dedress sila para i-out dress ang mga kasama nila. Tandaan, kung magpapaimpress sila sa lalake, maghuhubad sila.
Huwag mag-inarte, huwag mandiri sa pornograpiya kung nagbabasa ka ng 50 shades of gray sa publiko, mas magaling pa si Xerex dyan. In short, parang nagbibitbit ka lang ng tabloid. Isa pa, try mo yung audio book ng 50 shades of gray. Ooohhhh… Aaaahhhh….
Flirtationship. Ang status na pwedeng ipamalit sa it’s complicated o friends with benefits ng mga babaeng may kaharutan, delikado nga lang ang Flritationship kapag fertile ang babae.

Ang babae ay minamahal at hindi sinasaktan. Ang babae ay ang ilaw ng tahanan. Ang babae ay may kakayanan na makipagaway at maghurumentado na walang dahilan lalo na kapag may regla sila. Ang babae ay ayaw sa lalakeng matagal magreply sa text. Ang babae ay parang adobo, mahalagang sangkap nila ay toyo. Ang babae ay dapat pinapahalagahan, pinaparamdam na maganda sila – kahit pangit yun iba, kaya ang babae ay binobola (Ang pambobola ay isang sangkap para sa isang matamis na pagsasama, kung wala ito, boring. Huwag lang sosobra). At ang babae kapag wala sa hulog dapat maging babae na lang sila sa septic tank. Ang babae ay may utong.

Kung hindi mo nabasa ang pangalan mo dito, hindi ikaw ang tinutukoy ko, pero kung pakiramdam mo ay ganun ka, enjoy!

No comments: