Friday, June 14, 2013

DUMBNESS KINGDOM



Ito ay kathang nagbibigay pugay sa katangahan...

Let me give you some obvious descriptions of Tontaness in various forms.

1st - Booba/GLP

This is our local version of Dumb Blonde. Try to observe some of the people you know na Cap Z ang dudang, most of them - walang sustansiya kausap. Kung meron man, limited topics lang on Fashion, Showbiz or anything about chizmiz. Hindi lang naman sa breast size limited ang qualification (kaya nga Booba *slash GLP or Ganda Lang ang Puhunan). From the word itself, usually 'pag magaganda, walang laman ang kukote. I don't wanna be too harsh pero matumal talaga ang mga may mala-artistang face na, super brainy pa. It happens pero 1 in every 3,203 people ang ratio nito.

2nd - ME-MA Don-Don

Me-Ma is a colloquial term for "May Masabi Lang" and Don Don is short for Dunung-dunungan. These are the dumbfounded pals na in denial pa at taglay nila ang agimat ng kawalang saysay. Sila 'yung mga Shungaerz na parang si Kuya Kim Atienza na kung umarte ay maraming alam pero wala rin namang substance. Most of the time jimbenters o gawa-gawa lang ang mga hanash nila sa buhay. Dapat mag-ingat sa mga taong ito at sa mga dala nilang information. In conviction sila magbitiw ng mga aakalain mong legit na trivial details pero ang totoo ay fabricated lamang.

3rd - PANI PEOPLE

When I said that stupidity is contagious, I meant it... Pani stands for "Paniwalain". Kumbaga sa kantang 'Bahay-Kubo, sila 'yung next to kundol which is Patola or simply - MAPAGPATOL. Ang pagiging Pani ay isang resulta ng kadalasang pakikipag-usap sa mga Me-Ma Don Don. 'Yan, nakakahawang katangahan talaga. Sila ang mga may scarcity sa stock knowledge kaya kung ano lang ang marinig o mabilisang mabasa, more store na agad ng info sa tiny hypothalamus nila for future use. Madali silang mapaniwala. Gullible lang!

4th - GERMAN

German represents a foreign language that the brain uses when absorbing information. Sa kung anung kadahilanan na hindi ko maintindihan, may mga friends talaga tayo na super 1 km per hour ang speed ng pick up. Ito 'yung mga friends nating kasama natin usually sa any outdoor events at kapag kinuwentuhan mo ng stories or even jokes, it usually takes them 24 hours (minimum) bago ma-gets at mag-react. May ibang lenguawaheng gamit ang brains nila. One time, I had this friend and after kong mag-joke, silent lang at more changed the topic siya. The day after, I got a text from her saying that the story was superbly funny. Ganun katagal niya naproseso ang punchline ng stroy. Oh yes! One more thing, mapanlinlang sila, it's either no reaction ang drama nila or more change the topic para hindi halatang nga-nga sila. Maraming ganyan, pwamiz!

5th - UBERLY NICE BACKSTABBING BI*CH!

Sa mga taong dalawa ang mukha, I consider them as Tan-G-A as well. Mga feelingera na walang hangganan ang Traitorness. Sila 'yung super angelic in front pero devilish when you're not around. Attitude problem ito so usually sila 'yung walang masyadong permanent friends. Kaya dapat mag-ingat sa mga new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo. Usually ang victims nila ay ang mga previously enumerated types.

Mahaba pa ang listahan ng Dumbness Kingdom at sa dami ng classifications ng mga species na ito, may cross breed na rin na nagaganap. Malapit na nilang ma-invade ang universe at tuluyang palawak ng palawak na ang nasasakupan nila.

Dito lang sa Pinas may PartyList sila. Would you believe si Mikey Macapagal Arroyo is in Congress representing the Tricycle Drivers?!? Nakakatanga lang diba?

Kaya nga look around... The moment you see people around you who belong to the family of Tontaess, hug them.... caress them... pamper them... That means a lot to them... When they ask why, tell 'em we simply care... For real!

Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!

No comments: