The world needs love. I think it’s about time that I must disclose the secret recipe of the love potion forged within the labyrinthine passages of the unknown underground Florentine city.
Isang gayuma na kung saan tinitiyak na pagiisahin ang dalawang tao magpakailanman. Kung gusto mo na ikaw lang ang maging lalaki/babae sa buhay ng iyong minamahal, at kung ayaw mong lumayo siya sa iyo at mapapunta sa iba, ito ang love potion na para sa iyo, ang ultimate a gayuma.
Hindi ito biro. Totoo ito.
![]() |
Ang mga sumusunod ay mga sangkap at instructions na dapat gawin para sa gayuma.
- Tubig mula sa ilog ng Arno. Ang ilog na ito ay naging saksi sa mga nagbabagang romansa mula sa kasaysayan hanggang sa musika sa Italya. Ngunit kung taga Pilipinas ka o ibang bansa, ayon sa mga kuru-kuro, sapat na ang tubig sa pinakamalapit na ilog sa inyo. Para sa mga taga Pilipinas, piliting makasalok ng tubig sa Pasig. Ito ang basic element.
- Ilagay sa isang baso ang tubig, at kapag bilog ang buwan, magpunta sa gitna ng isang tulay at bulungan ito ng 100 beses. Ibulong ang pangalan ng minamahal at sundan ng, “magsasama tayo magpakailanman”. Ito ang magical element.
- Kumuha ng balahibo ng pusa, preferably, pusang itim. Ang velvet features kasi niya ang magdadala ng element of sensuality. Ihalo ito sa dinasalang tubig.
- Isang daga. Putulin ang mga paa, kunin ang atay at intestines at dikdikin ang lahat ng ito hanggang maging isang malambot at uniform na mixture. Ihalo ito sa tubig.
- Isang feather ng kalapati at ipot nito. Ihalo ito sa potion. Ito ay isang symbolical element. On the wings of love, sabi nga nila diba?
- Buntot ng butiki. Siguraduhing buo ito at isama sa potion.
- And last but not the least ang pinakapaboritong pabango ng iyong iniibig.
Gawin mo ang lahat para mapainom mo ang isang basong gayuma na ito. Siguraduhin muli na bilog ang buwan upang mapatodo ang bias nito. Huwag ito basta basta ihahalo sa pagkain o anumang inumin. Maaari din itong iturok sa kanyang blood vessels.
Ano ang mangyayari.
Dahil sa mabisa at makapangyarihan ang gayumang ito, unti-unting magkakasakit ang minamahal mo at manghihina. Within 36 hours madedetect nila na may typhoid siya, o may bacteria, o intoxicated na siya dahil sa food poisoning.
Mamamatay ang minamahal mo. Hinding hindi na siya mapapapunta sa kamay ng ibang lalaki/babae.
At dahil sa pinairal mo ang iyong ka-engotan dahil nanampalataya ka ng buong puso sa blog na ito, tuluyan ka nang masisiraan ng bait at magpapakatiwakal ka.
At dahil diyan, magsasama na kayo ng iyong minamahal sa kabilang buhay, magpakailanman.
Love forever, finally.
No comments:
Post a Comment