Saturday, June 22, 2013

GAYUMA ...SALINGINMO AKO

Gayuma ng Pag-ibig ng Walang Hanggan
The world needs love. I think it’s about time that I must disclose the secret recipe of the love potion forged within the labyrinthine passages of the unknown underground Florentine city.


Isang gayuma na kung saan tinitiyak na pagiisahin ang dalawang tao magpakailanman. Kung gusto mo na ikaw lang ang maging lalaki/babae sa buhay ng iyong minamahal, at kung ayaw mong lumayo siya sa iyo at mapapunta sa iba, ito ang love potion na para sa iyo, ang ultimate a gayuma.

Hindi ito biro. Totoo ito.


Ang mga sumusunod ay mga sangkap at instructions na dapat gawin para sa gayuma.

  1. Tubig mula sa ilog ng Arno. Ang ilog na ito ay naging saksi sa mga nagbabagang romansa mula sa kasaysayan hanggang sa musika sa Italya. Ngunit kung taga Pilipinas ka o ibang bansa, ayon sa mga kuru-kuro, sapat na ang tubig sa pinakamalapit na ilog sa inyo. Para sa mga taga Pilipinas, piliting makasalok ng tubig sa Pasig. Ito ang basic element.
  2. Ilagay sa isang baso ang tubig, at kapag bilog ang buwan, magpunta sa gitna ng isang tulay at bulungan ito ng 100 beses. Ibulong ang pangalan ng minamahal at sundan ng, “magsasama tayo magpakailanman”. Ito ang magical element.
  3. Kumuha ng balahibo ng pusa, preferably, pusang itim. Ang velvet features kasi niya ang magdadala ng element of sensuality. Ihalo ito sa dinasalang tubig.
  4. Isang daga. Putulin ang mga paa, kunin ang atay at intestines at dikdikin ang lahat ng ito hanggang maging isang malambot at uniform na mixture. Ihalo ito sa tubig.
  5. Isang feather ng kalapati at ipot nito. Ihalo ito sa potion. Ito ay isang symbolical element. On the wings of love, sabi nga nila diba?
  6. Buntot ng butiki. Siguraduhing buo ito at isama sa potion.
  7. And last but not the least ang pinakapaboritong pabango ng iyong iniibig.

Gawin mo ang lahat para mapainom mo ang isang basong gayuma na ito. Siguraduhin muli na bilog ang buwan upang mapatodo ang bias nito. Huwag ito basta basta ihahalo sa pagkain o anumang inumin. Maaari din itong iturok sa kanyang blood vessels.
Ano ang mangyayari.
Dahil sa mabisa at makapangyarihan ang gayumang ito, unti-unting magkakasakit ang minamahal mo at manghihina. Within 36 hours madedetect nila na may typhoid siya, o may bacteria, o intoxicated na siya dahil sa food poisoning.
Mamamatay ang minamahal mo. Hinding hindi na siya mapapapunta sa kamay ng ibang lalaki/babae.
At dahil sa pinairal mo ang iyong ka-engotan dahil nanampalataya ka ng buong puso sa blog na ito, tuluyan ka nang masisiraan ng bait at magpapakatiwakal ka.
At dahil diyan, magsasama na kayo ng iyong minamahal sa kabilang buhay, magpakailanman.
Love forever, finally.

Friday, June 14, 2013

DUMBNESS KINGDOM



Ito ay kathang nagbibigay pugay sa katangahan...

Let me give you some obvious descriptions of Tontaness in various forms.

1st - Booba/GLP

This is our local version of Dumb Blonde. Try to observe some of the people you know na Cap Z ang dudang, most of them - walang sustansiya kausap. Kung meron man, limited topics lang on Fashion, Showbiz or anything about chizmiz. Hindi lang naman sa breast size limited ang qualification (kaya nga Booba *slash GLP or Ganda Lang ang Puhunan). From the word itself, usually 'pag magaganda, walang laman ang kukote. I don't wanna be too harsh pero matumal talaga ang mga may mala-artistang face na, super brainy pa. It happens pero 1 in every 3,203 people ang ratio nito.

2nd - ME-MA Don-Don

Me-Ma is a colloquial term for "May Masabi Lang" and Don Don is short for Dunung-dunungan. These are the dumbfounded pals na in denial pa at taglay nila ang agimat ng kawalang saysay. Sila 'yung mga Shungaerz na parang si Kuya Kim Atienza na kung umarte ay maraming alam pero wala rin namang substance. Most of the time jimbenters o gawa-gawa lang ang mga hanash nila sa buhay. Dapat mag-ingat sa mga taong ito at sa mga dala nilang information. In conviction sila magbitiw ng mga aakalain mong legit na trivial details pero ang totoo ay fabricated lamang.

3rd - PANI PEOPLE

When I said that stupidity is contagious, I meant it... Pani stands for "Paniwalain". Kumbaga sa kantang 'Bahay-Kubo, sila 'yung next to kundol which is Patola or simply - MAPAGPATOL. Ang pagiging Pani ay isang resulta ng kadalasang pakikipag-usap sa mga Me-Ma Don Don. 'Yan, nakakahawang katangahan talaga. Sila ang mga may scarcity sa stock knowledge kaya kung ano lang ang marinig o mabilisang mabasa, more store na agad ng info sa tiny hypothalamus nila for future use. Madali silang mapaniwala. Gullible lang!

4th - GERMAN

German represents a foreign language that the brain uses when absorbing information. Sa kung anung kadahilanan na hindi ko maintindihan, may mga friends talaga tayo na super 1 km per hour ang speed ng pick up. Ito 'yung mga friends nating kasama natin usually sa any outdoor events at kapag kinuwentuhan mo ng stories or even jokes, it usually takes them 24 hours (minimum) bago ma-gets at mag-react. May ibang lenguawaheng gamit ang brains nila. One time, I had this friend and after kong mag-joke, silent lang at more changed the topic siya. The day after, I got a text from her saying that the story was superbly funny. Ganun katagal niya naproseso ang punchline ng stroy. Oh yes! One more thing, mapanlinlang sila, it's either no reaction ang drama nila or more change the topic para hindi halatang nga-nga sila. Maraming ganyan, pwamiz!

5th - UBERLY NICE BACKSTABBING BI*CH!

Sa mga taong dalawa ang mukha, I consider them as Tan-G-A as well. Mga feelingera na walang hangganan ang Traitorness. Sila 'yung super angelic in front pero devilish when you're not around. Attitude problem ito so usually sila 'yung walang masyadong permanent friends. Kaya dapat mag-ingat sa mga new friends na sobrang clingy at assumerang froglets na close kayo. Usually ang victims nila ay ang mga previously enumerated types.

Mahaba pa ang listahan ng Dumbness Kingdom at sa dami ng classifications ng mga species na ito, may cross breed na rin na nagaganap. Malapit na nilang ma-invade ang universe at tuluyang palawak ng palawak na ang nasasakupan nila.

Dito lang sa Pinas may PartyList sila. Would you believe si Mikey Macapagal Arroyo is in Congress representing the Tricycle Drivers?!? Nakakatanga lang diba?

Kaya nga look around... The moment you see people around you who belong to the family of Tontaess, hug them.... caress them... pamper them... That means a lot to them... When they ask why, tell 'em we simply care... For real!

Without Stupid People we won't know how good it feels not to be like them!

MRT....BYE BYE CRUEL WORLD


It has come to my attention na may nagpakamatay na naman sa MRT. Wow. It's heartbreaking. Although nakikiramay ako sa kanyang mga naiwan, I can't help but feel sorry rin para dun sa mga taong naabala noong araw na yun ng dahil sa isang selfish act. Ilan kaya sa kanila ang napa-text sa kanilang boss saying "Imma be late" at na-memo for tardiness?

I don't want to judge yung mga nagpakamatay. Buhay nila yun and they can do what they want as they see fit. May mga matinding dahilan sila, o di kaya may something sa utak nang slight kaya nila yun nagawa. Dapat din silang intindihin. Baka pasan nila ang mundo etc.

Pero sana naman na-consider nila yung fact na sa pagtatangka nilang pagpapakamatay eh may mga mapeperwisyong mga utaw. Para po sa kaalaman ng nakararami, ang mga tangkang suicide sa ating public trains ay maaaring nagreresulta sa:

A.) Pagtigil ng byahe at pagka-init ng ulo ng mga pasaherong malelate sa trabaho/eskwela.
B.) Pagka-suspinde ng train driver kahit hindi niya kasalanan, on top of the shock and trauma.
C.) Pagod ng mga maintenance sa paglilinis ng nagkalasog-lasog na laman mula sa riles.

Kawawa naman sila diba? Kung magpapakamatay ka, bakit kailangang damay ang iba? Hindi ba pwedeng ikaw lang ang affected?

Maraming paraan ng pagpapakamatay, mas effective pa sa paghiga sa riles. Kung kailangan mo na talagang mamatay, maraming paraang less messy and less inconvenient sa iba:

A.) Maglaslas ng singit. I'm not sure kung 100% fatal ito but there has to be a major ugat there somehere.
B.) Uminom ng paint thinner, clorox, stagnant water sa flower vase, panis na milk tea.
C.) Death by Nicki Minaj/Ke$ha/Skrillex mashup overload.
D.) Autoerotic Asphyxiation (hmm yesss kinkeh!)
E.) Death by orgasm. I'll research more on this.

Ngunit kung pakiramdam mo talaga eh destiny mo na magkitil ng sariling buhay sa tren, ito naman ang aking maipapayo para sa ikabubuti mo bilang suicidal person at sa ikabubuti ng mga mamamayang mananakay ng tren.



1. Mamili ng train. Sa kasalukyan meron tayong LRT 1 and 2 at MRT. Kung ako ang papiliin ay mas nanaisin ko sa MRT, dahil lamang sa malapit ito sa aking puso. Ang kaibahan lang ng MRT sa LRT ay mas mataas ang platform ng MRT. Mas mababa ang iyong lulundagin kapag sa LRT mo napagpasyahang magpakamatay. At kung sakaling magbago ang isip mo, mas madali kang makakabalik sa platform.

Before doing this step, ask yourself: Wala na bang kwenta ang buhay ko?

2. Matapos makapagdecide kung anong tren ang gusto mong pumunit sa iyong katauhan, mamili naman ng station. Let's assume MRT ang iyong station of choice. Kung nais mo ng maximum exposure talaga, piliin ang Cubao Araneta Station. Pero ang maipapayo ko ay mamili ng mas discreet, gaya ng Magallanes o di kaya Santolan Annapolis, dahil konti lang ang tao doon at konti lang ang makakasaksi sa iyong pagkadurog moment.

But then again, tanungin mo ang iyong sarili: Patapon na ba ang buhay ko? Mas marami pang ibang mas patapon keysa sa akin pero kaya pa nila. Baka naman may pag-asa pa...

3. Mamili ng schedule. Sana naman huwag sa rush hour, dahil marami ang male-late sa trabaho. Para sa akin, mainam na gawin ito bandang 9:45PM, kapag malapit nang magsara ang station. Sa ganitong paraan:

A.) Konti lang ang mga tao.
B.) May choice ang mga maintenance/janitor/first aid/medics kung ire-retrieve ka ba nila ngayon, or iiwan ka munang nakaipit sa gulong ng tren at bukas ka na lang balikan.
C.) Malamang hindi mainit ang riles paghiga mo, nagcool down na dahil gabi na.

More on scheduling: mamalasin ka kung sa araw na balak mong magpakamatay ay may nauna na just minutes before you. This means ititigl ang operation ng train and you have to reschedule. Kung nasa Shaw, Boni or Buendia station ka at may nagpakamatay sa southbound, maaari kang lumipat sa northbound.

There's a bigger chance na mag-trending sa Twitter ang pagpapakamatay mo kung gagawin ito sa panahong tahimik ang bansa. Huwag itong isasabay sa eleksyon o sa laban ni Pacman, o sa expected na pag-come out ni Charice. Lalong-lalong huwag kang sasabay sa Miss Universe.

Muli, magreflect: Ito ba ang solusyon? Paano na ang mga nagmamahal sa akin? What if hintayin ko munang magwakas ang Ina Kapatid Anak?

4. Huwag gumamit ng Stored Value Card, unless 2 pesos na lang ang laman. Dahil alam mo namang wala nang balikan ito, mag-Single Journey ticket ka na lang.

5. Huwag nang magbitbit ng kung-ano anong gamit. Tatagal ka lang sa inspection. Ngunit huwag kalimutang magdala ng ID. Not necessarily government issued or company issued na identification. Actually maimumungkahi ko na magdala ka lang ng glamour photo na iyong favorite, at sa likod ay isulat ang iyong pangalan, address, phone number ng pinakamalapit na kamag-anak, at ang preferred network na gusto mong mag-cover ng iyong story. Ilagay mo na rin, just in case napagtripang gawan ng episode sa MMK or Magpakailanman ang istorya mo, kung sino ang gusto mong gumanap. Iwan ang picture sa lugar na madaling makita. Ito ang gagamitin sa mga news reports. Go for a wacky pic.

6. Isaisip rin po na mabilis man ang takbo ng train, pagpasok nito sa station ito ay nag-iislow down. At dahil diyan, planuhin nang maigi kung saang banda sa riles ka mahihiga. Doon ka pumuwesto sa banda kung saan humihinto ang pinaka-last car. Mabilis pa ang takbo ng tren pag dumaan dito at sure na sure ang pagdaan ng buong tren sa iyong katawan.

Huwag na huwag kang hihiga sa bandang unahan kung saan humihinto ang unang car ng train. Kung dito mo napili humimlay, hihinto ang tren habang nakaipit ka sa gulong, at may malaking chance na buhay ka pa. Maaari kang mareretrieve mula sa riles na buhay pa. Kung walang nakapansin sa iyo at sa pagkaipit mo sa ilalim ng tren, hihintayin mo pa itong makaalis bago ka tuluyang malasog-lasog.

7. Bakit hindi subukang kumaway muna sa CCTV bago man lang lumundag? Sa ganitong paraan, para ka na ring nakapag-goodbye sa lahat ng taong makakapanood ng video clip mo sa Youtube at sa balita. Walang masama kung susubukan po ito.

8. Here are some last minute DON'TS:

A.) Pagsalida o pagkuha ng buwelo o pag-astang lulundag.
B.) I-discuss sa ibang mga pasahero ang plano.
C.) Tumalon kahit napakalayo pa ng tren.
D.) Manghila/Manulak ng ibang pasahero.

9. Kung marami ka pang oras, ayusin ang pagkakahiga sa riles. For maximum damage sa iyong alindog, dapat humiga across, hindi paayon. For a quick death siguraduhin na ang mga gulong ay tatama sa iyong ulo at hindi sa paa, unless gusto mo talagang masaktan.

Timing is everything. You have to have enough time para maiayos ang pwesto sa riles, but not too much at baka may magligtas pa sa iyo. You got a minute to win it.

And then tanungin uli ang iyong sarili? Is this it? Is this REALLY is it?

10. Siguro by this time decided ka na talaga. Wala nang atrasan. Papasagasa ka talaga sa tren. Pakatandaan na sa oras na humiga ka sa riles at madurog na ang iyong bungo, wala nang balikan yun. That means dapat ay nagawa mo na ang mga dapat mong gawin, gaya ng makapag-iwan ng goodbye letter sa mga kaanak, mag-iwan ng pambayad ng kuryente, tubig at cable, at magsoli ng mga hiniram mong USB sa officemate mo noong nangopya ka ng Pitch Perfect.

Don't forget your vague Facebook status and revealing tweets para kapag nabalitaan ng mga friends and followers mo ang ginawa mong pagpapakamatay, may mabasa silang something like a "sign" sa iyong timeline. "See you in hell mga shunga!" or "Better watch Bandila tonight motherfuckers..." ganyan.

Ayan muna po, sana po ay nakatulong ako at nakapagbigay ng liwanag sa mga tanong na maaring gumugulo sa inyong isipan. See you on the news soon!

Joke. Lahat ito ay joke lang. Gaano man kapangit, kagulo, kalungkot, ang buhay ay mahalaga. Ito ay parang pubic hair. Masalimuot. But you just have to deal with it, like everybody else does. Walang problemang nalutas sa pamamagitan ng paghiga sa riles. It just creates more problems.

I'm serious about the paglalaslas ng singit though. Try it! LOL.

Sunday, May 5, 2013

DAKMA,HALINGHINGHING ....SA LANGIT...rated pg

Bukod sa mga naglalakihang malalaswang larawan ni Dingdong Dantes at Jake Cuenca at yung kumakalat na profile picture nung isang
lalakedi tiyak ang kasarian na nakahubad, nakadapa at nakalabas ang dila, madalas ding makita ang mga massage parlor, oo tama ka, hindi lang mga motel ang nagkalat.
Halinghing, Luwalhati, Maharlika – iilan lang ‘yan sa mga pangalan ng mga massage parlor, pangalan pa lang alam mong may katahimikang umaalingawngaw sa loob, na may mga nakakubling misteryo sa bawat hagod at pisil ng mga masahista.
Pero huwag kang mapanghusga, pangalan lang ‘yan.
  • Halinghing - “Sa bawat hagod, hahalinghing ka sa sarap.”
  • Luwalhati - “Sa bawat pangangalay, may luwalhating nakaantabay.”
  • Maharlika“Dahil tatratuhin kitang isang maharlika, ituro mo, dudutdutin ko.”
Pagpasok mo pa lang at aabutan ka ng sobra sa laking salawal at nagmumukha ng kursisilyo sa laki, iisa lang ang papasok sa isip mo kung ang huling taong nagsuot nito ay may alagang dikya sa singit na puwedeng maghatid sayo ng kakaibang pangangati.
Para sa iba, sagrado ang mga lugar na ‘to, lalo na sa mga taong nangangalumata dahil sa kakatrabaho, kailangan ng mga kakaibang pisil at hagod para makahugot ng lakas at makapagsimula na may kakaibang pakiramdam. At sa iba ito ay mainam na lugar para sa naghahanap ng panandaliang aliw at paglasap ng tamis dulot ng pagtikim ng pulot-pukyutan.
Maituturing ding banal na lugar ‘to, kahit kababuyan ang ginagawa ng ibang tao. Dahil sa sarap ng hagod, paghalinghing at pag ungol, naaalala nila ang dakilang lumikha. Nagiging madasalin, at bigla na lang alingawngaw na “Oh Diyos ko po, ang sarap.. sige pa.” Pero kung nabitin at kulang sa hagod, malamang ang adhikain mong lumigaya ay mauuwi sa pagka-lugami. Pero ang tanong, paano mo malalaman kung malinis at desente ang isang SPA o massage parlor at ang mga masahista?
1. Aquatico – Pagpasok mo pa lang sa yungib ng mga tagalamas ay merong isang aquarium na tatambad sa’yo, pero hindi mga isda kung hindi mga bababeng masahista at mga nagtitipid sa tela. Naghahatid ng kakaibang masahe na may kasamang romansa sa isla aquatico.
2. Extra service - “Sir Gusto ninyo ng Extra service?” Ang extra service ay hindi limitado sa paglilinis ng tenga, pusod o panghihilod. Indikasyon na kapag tumanggi ka sa extra service ay kapag minamasahe ka na sa baba ay panay kalabit lang sa betlog mo. Kahit anong buka mo, hanggang panggagalabit lang ang iaabot sayo. – no more no less, hanggang bumigay ka, bawal ang dakma.
3. SPAkol – Masahista, hindi tubero pero maaasahan sa paglinis ng tubo, self explanatory. Kung hindi mo pa rin maintindihan, SPA na may kasamang jakol.
4. SPAdahanHindi ko alam bakit kailangan natin ng mga masahistang lalake. Sino ba namang matinong lalake ang papasok sa yungib na puro barako at hahaplusin ang kuyukot mo, at kakamutin at hihimasin ang bawat peklat mo sa katawan? boksingero lang at mga taga WWF lang ang merong tsimoy at masahista sa likod nila. Pero sa SPAdahan, malimit magkaroon ng hotdog party, iskrima ang paboritong laro at ang mga parokyano ay mga lalakeng di tiyak. May special service na inaalok, ito ay ang paglalabatiba o paglilinis ng puwet o pagtutubo. Hindi naman sila tubero, mga masahista sila.
5. Mananaggal – Ang mga masahista ay hindi lang puro dutdot at himas, sila din ay mananaggal, manananggal ng salawal. Nakakapanibugho at masasadlak ka sa kahihiyan kung alam mong puro peklat at kulay libag ang kuyukot at puwet mo at sa isang iglap lang ay nakakababa na ang salawal mo ng walang paapaalam. Panunukso ba ito?
“Hindi mo mararamdaman ang ligaya sa bawat hagod o haplos, dapat sinasamahan ito ng pagmamahal kasama ang espesyal na taong gagawa nito na may kasamang pag dakma.”

MCDO ......OLD AND GREY

ECHOSERANG SERIES ....' MCDO ..OLD AND GREY"..ang MCDO sa aking pagtanda

minsan, pagkagaling ko ng trabaho, dumirecho na ako ng mcdo. pag tinatamad kse ako magluto ng agahan, at lampas 8am na ako nakakauwi (from night shift), sa mcdo na lang ako nagb-breakfast. umorder ako ng usual breakfast meal ko pag mcdo ako kumakain. isang order ng pancake and sausage meal atsaka isang hamdesal with cheese.... ang drink of choice? orange juice. masarap sanang mag-kape, kaso baka hindi na ako makatulog.

dahil alone akong nag-breakfast (hubby went to work already), kalimitan ang ginagawa ko habang kumakain ay pinapanood ko ang iba pang taong nasa loob ng mcdo (read, wala pa kaming sampu ng oras na to). naaliw lang ako kse meron isang matandang lalaki na pumasok, bitbit ang 2 helmet na pula. obviously, sakay sya ng motorsiklo papunta ng mcdo. umupo sya sa isang mesa, malapit sa akin. parang may hinihintay. napaisip naman ako at nasabi sa sariling: “don’t tell me naghihintay sya ng ka-date. kse baket 2 yung helmet na bitbit nya di ba?” mukha na syang lolo. naka-shorts na asul, white na shirt at naka-rubber shoes.

diretso lang ako sa pagkain ko nang may nakita akong pumaradang SUV malapit sa harap ng bintanang kinap-pwestuhan ko. nakita ko bumaba ang 5 oldies din. 2 guys and 3 girls. tapos pumasok din sa mcdo. dun ako naaliw. kse mukhang magba-barkada pala sila ng naunang lolong napansin ko pagpasok pa lang. after a number of exchanged handshakes, pumunta silang lahat sa counter to order their breakfast.

hindi ko alam kung baket sila nagkita-kita dun. kse pagka-upo naman nila e nagbasa lang din muna sila ng mga dyaryo (kse di ba may free inquirer sa mcdo pag breakfast?). pinanood ko pa sila ng konti. hanggang sa matagal na palang ubos ang breakfast ko at naramdaman ko na ang tawag ng kama ko.nakikinita ko nga sa kanila ang nanay ko e. i’m not saying that she’s that old! pero kse yung personalidad ng nanay ko, parang feeling ko, old age won’t stop her from going out with her friends. hahaha.

napaisip lang ako. sana pagtanda ko, ganun pa rin kami ng mga kaibigan ko. paminsan-minsan magkita-kita para mag-breakfast sa mcdo. mag-kwentuhan. sa ngayon nga, sobrang bihira na kaming magkita ng mga kaibigan ko. siguro dahil mga busy na kami sa mga buhay-buhay namin.

one time, sa wake ng mom ng isa kong k-batch, kasabay namin nagpunta isang grupo din sila from the 70s. ang mga kwento nila, yung mga anak nila eh mga nagt-trabaho na rin. wala na sila mashado pinagkakaabalahang mga anak na papasok sa school. so yung natigil daw na pag-gimik nila when they had kids, resume lang din daw kse malalaki na ang mga anak nila. sabi pa ng isa, after the wake daw, inom muna sila. o di ba nakaka-aliw? nung minsang nakasabay namin sila sa isang activity/function, taob kami kse pale pilsen ang gustong beer at hindi sanmig light. hah.

i just wish when i’m all wrinkly at panget na ang posture (read: kuba — kse i don’t drink milk. osteoporosis, here i come!) magkita-kita rin kami ng mga kaibigan ko. i’m sure, our table will be the loudest pa rin. hahaha.

Saturday, April 27, 2013

KUTIS PORSELANA ALA ARINOLA

Anybody who has gone Manila and went back home to the prabins are told that they have a whiter complexion. (Kala mo naman totoo, binobola ka lang ng mga kamag-anak mong yan. Mangungutang ’yan. Ha ha!) I don’t know where on madapacking sheet this urban tsismis came from. Siguro ‘yung chlorine sa tubig ng Maynilad, o ‘yung palagiang pagpapalamig sa mga mall.
Nakakaputi rin talaga sa Manila lalo na ’yung mga nakatira sa ilalim ng tulay saka estero. Sa init ba naman ng temperature under the bridge, at ang mga noxious chemicals sa estero, e talo mo pa gumamit ng pinakamalakas na astringent para magbakbak ang balat mo at pumuti. At ang traffic, men mamumuti ang mata mo sa pag-usad along EDSA. Usong uso din dito sa Maynila ang mga facial spa saka dermabrasion churba. Kung anu-anong pinaghalu-halung ingredients na parang putik (galing lang naman ’yun sa estero sa Tondo saka Pasay), tapos sasabihing mud spa. Ilang oras na mababanat ang pagmumukha at unti-unting magka-crack ang old skin to reveal a newer one, parang molting stage ng mga anaconda. ‘Yung dermabrasion, para din lang silang gumagamit ng microscopic knives na pangtapyas sa mga old skin cells. Kung nagtitipid ka, maraming papel de liha sa Handyman o Ace hardware, pwede mong ikaskas sa skin mo ng dahan dahan.

RANTING EKSENA

Baba ng tricycle, takbo… pagdating sa may overpass, ikot sa may hagdan. Kung bakit naman kasi sinira ng mga taga MMDA yung kanang hagdanan. Dati naman maayos ang daloy ng tao sa overpass na yun. Hindi katulad ngayon na halo-halo ang amoy dahil siksikan ang taong paakyat panaog sa iisang hagdan. Minsan tuloy naiisip ko na parang sinasadya lang ng mg...a taga MMDA na sirain yung mga inprastraktura na maayos para may mapaglibangan sila. Pagdating sa taas ng overpass. anak ng bibeng duling… siksikan pa rin sa dami ng nagtitinda. habang papalapit na papalapit ang kapaskuhan parang kabuteng nagsulputan ang mga nagtitinda ng kung ano ano. halos walang madaanan ang mga tao. ako naman parang nagtitinikling sa mga panindang nakakalat.


Asa kalagitnaan na ako ng mahabaging overpass nang biglang may nagdatingang pulis. Medyo gumilid ako ng konti, alam kong habulan na ang kasunod nito. Ang mahuli, taya. pero ohmaygad, I was wrong. Tiningnan lang sila ng mga tindera, sabay tanong sa mga lalaking nagkumpulang parang bulbol sa isang banda, “asan si omar? tawagin mo, sabihin mo andito na ang mga kubrador”. sigaw nito. kubrador? parang hueteng lang ah. feeling ko masaya ang kasunod na mga mangyayari kaya minarapat kong magstay por a wayl. Dumating yung Omar, nilapitan yung mga unipormadong pulis sa gilid, nagngitian, kamayay, bulungan. hinihintay ko kung may beso-besong kasunod, wala. maya-maya ay lumapit si omar sa isang babaeng tindera na may kalong kalong na bata. “O ikaw na lang ang di nagbibigay ng parte mo” bungad numg Omar, sumagot yung babae na wala daw siyang pera. “magbigay ka na kasi para makapagtinda na tayo ng maayos” sagot ulit nung Omar. tangena, kung ang binebenta mo lang ay mga gamit na sapatos at may pinapakain kang pamilya, isa lang ang isasagot mo dun sa Omar. “Wala akong pera”.

Lahat gustong kumita ngayong kapaskuhan, sadly, pati mga pulis kasali. Hindi ko matake yung eksena, bumaba na ako.


nakasakay nako sa bus, di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung tindera. mali yung ginawa nilang pagtitinda ng wala sa lugar pero gusto lang nilang kumita kahit papaano. Biglang huminto ang bus, may sumakay, naknang…pulis nanaman. At sa kasamaang palad, tumabi pa sa akin ang hinayupak. Lumapit ang kunduktor para maningil ng pamasahe, Hindi tuminag ang gago, ni hindi man lang nagkunwaring bubunot ng pera ang walanghiya. Hindi nagbayad. Nasa kasarapan na ng biyahe nung bigla akong naramdaman na may sikong nagpapapansin sa taligiliran ko, tumingin ako sa katabi kong pulis, nakangiti ito sabay nguso sa babaeng naka mini skirt sa kabilang upuan, Ngiting aso ang hinayupak na pulis, bumulong ng “ang sarap niyan parekoy” sabay punas sa nguso. Gusto kong sumigaw ng “Manyakis!!!!”


Nakakalungkot isipin na may mga pulis na mas malakas ang loob gumawa ng kalokohan pag naka uniporme. Nakakawalang respeto. may mga kakilala akong pulis na ang tingin sa kanilang uniporme ay sagrado. Meron namang mga walanghiya talaga. walang galang sa sariling uniporme. nakakadiri, Madumi.

Pagdating sa may MRT ayala , huminto ang bus, tumayo yung pulis sa upuan para bumaba, tumayo na din ako, habang sinusundan kong pababa yung pulis, hindi ko napigil, pinagpag ko yung bandang likuran ng uniporme niya, tinanong niya ako kung bakit; sumagot ako.


sugaroo: Ser, uniporme nyo, may dumi

Pulis: Sige nga parekoy, paki pagpag nga ng konti

sugaroo: Pinagpag ko na ser, ayaw matangal, mantsa.

Pulis: Tangina, di bale, thank you


Sa isip-isip ko, “tangina nga ser, tangina nga!”

hindi lahat....isa lang cya dun..peace