Saturday, April 27, 2013

KUTIS PORSELANA ALA ARINOLA

Anybody who has gone Manila and went back home to the prabins are told that they have a whiter complexion. (Kala mo naman totoo, binobola ka lang ng mga kamag-anak mong yan. Mangungutang ’yan. Ha ha!) I don’t know where on madapacking sheet this urban tsismis came from. Siguro ‘yung chlorine sa tubig ng Maynilad, o ‘yung palagiang pagpapalamig sa mga mall.
Nakakaputi rin talaga sa Manila lalo na ’yung mga nakatira sa ilalim ng tulay saka estero. Sa init ba naman ng temperature under the bridge, at ang mga noxious chemicals sa estero, e talo mo pa gumamit ng pinakamalakas na astringent para magbakbak ang balat mo at pumuti. At ang traffic, men mamumuti ang mata mo sa pag-usad along EDSA. Usong uso din dito sa Maynila ang mga facial spa saka dermabrasion churba. Kung anu-anong pinaghalu-halung ingredients na parang putik (galing lang naman ’yun sa estero sa Tondo saka Pasay), tapos sasabihing mud spa. Ilang oras na mababanat ang pagmumukha at unti-unting magka-crack ang old skin to reveal a newer one, parang molting stage ng mga anaconda. ‘Yung dermabrasion, para din lang silang gumagamit ng microscopic knives na pangtapyas sa mga old skin cells. Kung nagtitipid ka, maraming papel de liha sa Handyman o Ace hardware, pwede mong ikaskas sa skin mo ng dahan dahan.

RANTING EKSENA

Baba ng tricycle, takbo… pagdating sa may overpass, ikot sa may hagdan. Kung bakit naman kasi sinira ng mga taga MMDA yung kanang hagdanan. Dati naman maayos ang daloy ng tao sa overpass na yun. Hindi katulad ngayon na halo-halo ang amoy dahil siksikan ang taong paakyat panaog sa iisang hagdan. Minsan tuloy naiisip ko na parang sinasadya lang ng mg...a taga MMDA na sirain yung mga inprastraktura na maayos para may mapaglibangan sila. Pagdating sa taas ng overpass. anak ng bibeng duling… siksikan pa rin sa dami ng nagtitinda. habang papalapit na papalapit ang kapaskuhan parang kabuteng nagsulputan ang mga nagtitinda ng kung ano ano. halos walang madaanan ang mga tao. ako naman parang nagtitinikling sa mga panindang nakakalat.


Asa kalagitnaan na ako ng mahabaging overpass nang biglang may nagdatingang pulis. Medyo gumilid ako ng konti, alam kong habulan na ang kasunod nito. Ang mahuli, taya. pero ohmaygad, I was wrong. Tiningnan lang sila ng mga tindera, sabay tanong sa mga lalaking nagkumpulang parang bulbol sa isang banda, “asan si omar? tawagin mo, sabihin mo andito na ang mga kubrador”. sigaw nito. kubrador? parang hueteng lang ah. feeling ko masaya ang kasunod na mga mangyayari kaya minarapat kong magstay por a wayl. Dumating yung Omar, nilapitan yung mga unipormadong pulis sa gilid, nagngitian, kamayay, bulungan. hinihintay ko kung may beso-besong kasunod, wala. maya-maya ay lumapit si omar sa isang babaeng tindera na may kalong kalong na bata. “O ikaw na lang ang di nagbibigay ng parte mo” bungad numg Omar, sumagot yung babae na wala daw siyang pera. “magbigay ka na kasi para makapagtinda na tayo ng maayos” sagot ulit nung Omar. tangena, kung ang binebenta mo lang ay mga gamit na sapatos at may pinapakain kang pamilya, isa lang ang isasagot mo dun sa Omar. “Wala akong pera”.

Lahat gustong kumita ngayong kapaskuhan, sadly, pati mga pulis kasali. Hindi ko matake yung eksena, bumaba na ako.


nakasakay nako sa bus, di pa rin maalis sa isip ko yung itsura nung tindera. mali yung ginawa nilang pagtitinda ng wala sa lugar pero gusto lang nilang kumita kahit papaano. Biglang huminto ang bus, may sumakay, naknang…pulis nanaman. At sa kasamaang palad, tumabi pa sa akin ang hinayupak. Lumapit ang kunduktor para maningil ng pamasahe, Hindi tuminag ang gago, ni hindi man lang nagkunwaring bubunot ng pera ang walanghiya. Hindi nagbayad. Nasa kasarapan na ng biyahe nung bigla akong naramdaman na may sikong nagpapapansin sa taligiliran ko, tumingin ako sa katabi kong pulis, nakangiti ito sabay nguso sa babaeng naka mini skirt sa kabilang upuan, Ngiting aso ang hinayupak na pulis, bumulong ng “ang sarap niyan parekoy” sabay punas sa nguso. Gusto kong sumigaw ng “Manyakis!!!!”


Nakakalungkot isipin na may mga pulis na mas malakas ang loob gumawa ng kalokohan pag naka uniporme. Nakakawalang respeto. may mga kakilala akong pulis na ang tingin sa kanilang uniporme ay sagrado. Meron namang mga walanghiya talaga. walang galang sa sariling uniporme. nakakadiri, Madumi.

Pagdating sa may MRT ayala , huminto ang bus, tumayo yung pulis sa upuan para bumaba, tumayo na din ako, habang sinusundan kong pababa yung pulis, hindi ko napigil, pinagpag ko yung bandang likuran ng uniporme niya, tinanong niya ako kung bakit; sumagot ako.


sugaroo: Ser, uniporme nyo, may dumi

Pulis: Sige nga parekoy, paki pagpag nga ng konti

sugaroo: Pinagpag ko na ser, ayaw matangal, mantsa.

Pulis: Tangina, di bale, thank you


Sa isip-isip ko, “tangina nga ser, tangina nga!”

hindi lahat....isa lang cya dun..peace

Thursday, April 25, 2013

BOYLET CLASSIFIED

BOYLET CLASSIFIED...ep's balahura episode on boys ,boys, and more boys...
kasi havs ng mga lulurki na tinatawag kong pang-kama lang. siyempre, knows mo na kung aneklavu iyoners. yan yung anlakas ng seks appeal. minsan nga puro seks appeal lang, pero eh ano ngayon, divah?! kerri naman nila. sabi ni mader glenn, yan yung tipong unang tingin pa lang sayo wai nang angking paggalang. parang may binabal...ak agad na kabalahuraan. NGARAPEI!!! pero in general, pang-kama yung mga pasarap ang drama o kaya yung mga guma-gwapo lang pag may katabing kama ahihihi ...

meron din namang pang-rampa lang. o yung mga trophy jowa. waing duda na yung mga pang-rampage e biniyayaan ng kakaibang ganda, pero karamihan sa mga yan e ligwak sa question and answer portion . sadyang ganda lang (pero rin naman hindi lahat). repeat chorus: weh ano ngayon?! yung tanging magagawa mo e i-rampa siya sa kabukiran o kaya sa mall o sa divisoria tsaka quiapo. o basta kahit saang ma-tao. kasi alam mong kaiinggitan ka ng ilan tapos yung iba halos sabuyan ka ng asido sa fez. bitter ocampo, ikaw ba yan?

siyempre nakikigulo diyan yung mga genic boys.

gaya ng mga dilimgenic na sadyang may angking ka-gwapuhan sa dilim. wichelles talaga ma-getz ni atashi kung san nahuhugot yung ganda ng mga yan. maliban na lang siguro kung yung mga adik sa mga dilimgenic e may sayad sa mata, maysa-pusa, mahilig mangapa o kaya sadyang pinaglihi sa brownout.

andiyan din yung mga tagilidgenic o yung mga guma-gwapo pag naka-tagilid. swerte mo kung yung boylet mo e pinaglihi sa talangka at tagilid talaga siya kung rumampa ahihihihi madalas diyan yung mga lulurking fabulous sa biglang tingin. kaya panay na lang biglang tingin mo, kahit nakakahilo.

hindi mawawala yung mga talikodgenic o yung gwapo mula sa likod. sila yung mga matatambok yung wetpaks o kaya bonggacious yung jupit ng herlalet o kaya yung mga masipag magkuskos ng batok. BONGGA davah!

at speaking of genics, nakiki-join diyan yung mga tinatawag kong boolag. kasi nakakabulag sila. yan yung mga boylets na mukhang mucho gwapito sa picturraka pero mamarkahan mo ng isang malaking question mark sa personal. nakakaloko. salamat sa mga camera phones, kumalat yung iba-ibang style ng pagpi-fiture taking ng mga boolag. gaya ng bunbunan shot, yung kuha mula sa taas tapos titingala yung lulur. may pa-cute factor. o kaya yung nota shot na kuha mula sa ibaba, para kunwari ma-shongkad. yung horizontal shot o yung nakahiga, madalas walang t-shirt, tapos click, pasarap na agad ang profile. kasama din diyan yung "kunwari hindi ako nakatingin sa kamera" shot para pa-misteryoso epek. yung ngumangarat shot para kunwari may pa-attitude, kaya may pak-yu. kili-kili shot yung mga kuhang ume-eksena ang kili na, in fuhrnezz sa mga na-sight ko, e wai namang ma-jitim. meron ding beach shot na pwedeng nagpapasabik ng katawan o kaya nagyayabang lang kesyo naka-gora na ang otokiz sa bora. ilan lang yan, napapagod na ko.

prezent en accounted for din yung mga fantasia barino ng mga vehykla.

nangunguna diyan yung mga constructicons o konstru por short, na bentang-benta kina roxy at frida. lalaking-lalaki daw kasi. tila papalahin ka at ta-tratuhin kang parang graba hahaha

andiyan din yung mga ermingard o gardo versosa o yung mga sekyu na tinatawag. mga men in uniporms. ECHOZ! sabi nung friend ko minsan na sa edad niyang trenta e gusto niya na ng siryosong jowa. yung pang LTR. sabi ko, ano? gusto mo ng jowang tren. sabi niya, tanga, hindi LRT, LTR, long term relationship-chorbah. AWARD! bet niya daw yung stable at makakagib-lab sa kanya ng security. sabi nung isang friendship namin, "eh security pala hanap mo eh di mag-jowa ka ng gard."

yung mga pa-toda e yung mga traysikel drayber sa mga kanto-kanto. pleeeez lang wag akong ismiran. kasi kung tutuusin may mga gwapo talagang pa-toda na gustung-gusto mong sakyan kahit wai ka namang pupuntahan at kahit 48 years kang super wait habang asa dulu-duluhan siya ng pila. minsan ko lang ginawa to. effort naman kasi.

kelan ko lang na-discovery channel yung mga tinatawag na island bois. silachi yung kulay tsokolate yung balat. talagang exotic ang fez, parang alfred vargas (PASOK!!). yung iba, angat lang ng konti sa mga bayawak at sawa. slight syanong-syano ang quality. pero ganda-gandahan yung katawan. hindi dahil gym-gyman ang drama nung lulurki, basta nahubog na lang sa pagbubuhat. madalas yan matatagpuan sa aplaya, nagha-harvest ng niyog, o sa mga pier o pantalan, nag-aangkat ng isda at kung anek-anek pa. nakakakilig lang isipin na kaya ka niyang buhatin.

meron ding tinatawag na da-dedi-dodu. yan yung mga dadi-dadihan na kutob mo nung kabataan nila e humahakot ng pogi-points. at hanggang ngayon may bakas pa ng ganda nila, lalu na pagnasa-sight mo sa grocery kasama yung asawa't anak. parang gusto mo biglang kumabit hahaha kabilang diyan sina goma tsaka albert martinez.

yung mga paminta, yan yung mga palalaki epek. pwede siyang pamintang durog o pamintang buo, depende siguro sa level ng pagpapaminta ng lulurki. kunganupahman siya e nakaka-haching pa rin. HACHOO!! yung mga effeminista naman e yung mga feel na feel ang pagka-vehykla. meron akong kakilalang mag-jowa, parehong paminta. nung katagalan e naging kumportable na sa isa't isa at lumabas na pareho pala silang effeminista. saya-sayahan kasi para kang nanunod ng show ni pokwang tsaka ni simang pag magkasama sila. panalo sa punchline. pero dahil nagpapa-bonggahan, nagkaligwakan. di na sila friends ngayon.

meron din yung tinatawag na mangga. hindi iteklavu yung mukhang manggang hilaw ha, sa isip, sa hugis at sa asim. yung mangga e por short por mangga mangga hinog ka na ba? na pinahabang bersyon naman ng manggagamit. yung mga lulurking parang linta, dumudikit kung san may ugat. mga user-friendly at yung lalim ng pagmamahal niya sayo e sing lalim ng bulsa mez. kung small time lang yung lulurki, pwede mo rin siyang tawaging use in a sentence. pero pag malakihan na yung dugaan, e use in a paragraph na yan.

nangingibabaw din yung mga hipon. yung mga lulurking panalo naman talaga yung katawan pero ligwak ang fez. parang yung mga hipon na binabalatan, linalapokstra yung katawan pero tapon-ever na yung ulo. pero may iba na kumakain pala ng ulo. andon daw kasi yung sarap. AY! sori, nini, shotawan lang linalafang ko. madalas yan tambay ng gym at talaga namang nage-effort magpa-ganda ng boodeh. at kung may friendster yan, asahan mo, karamihan sa mga yan e havs ng picturakka na kita mula leeg pababa hanggang bewang. talagang ip yu hav it, flaunt it. ip you dont hav it. crop it. PANALO!!!

haaaay ... so meni men, so meni women. shet na kumpitensiya yan!!!

si AUSSIE ,si INDIAN and ME



 Pare-pareho naman kaming ingles ang usapan sa opisina kahit magkakaiba ang lahi namin pero minsan di pa din kami magkaintindihan. ‘Yung mga bumbay, matigas ang mga letra at exaggerated ang letrang ‘arrrr’. Mga Aussie naman tamad kumpletuhin ang sinasabi. K...umbaga sa pangungusap, binanggit lang ‘yung subject, pagdating sa predicate malabo na, di mo na maintindihan. Di mo alam kung ang sinabi ba ay ‘Jack fell down’ o ‘Jack jakoled’. Di tulad sa Pinoy, pag nag-ingles bawat syllable buong buo. Alam mong Pinoy kapag nagbigkas ng salita parang guro sa elementarya. ‘How are you today? I’m payn tenkyu’.

At ang mga Aussies, may sarili din silang salitang kanto na di mo agad maintindihan. Ang tawag nila sa breakfast ay brekkie. Ang tawag nila sa biscuit ay bickie. Hula ko lang, ang tawag nila sa pokpok ay puckie. At pag naggu-gudbay pa sila sa opisina ay palaging ‘see you later’. Pano’ng ‘see you later’ e bukas pa ulit kami magkikita. Hindi ba dapat, ‘See you latest?’ Hehe. Oo na, ‘See you tomorrow’. Minsan na nga lang ako mag-joke nang-aanu-ano ka pa dyan.

Sa mga kaopisina ko namang bumbay, nagpaturo ako pano magmura sa salitang Hindi para pagpunta ko ng India, cool ako dahil kaya kong makipagsabayan magmura. Just in case lang naman. Ang mothafucker sa kanila ay ‘Ma choud’. Naalala ko bigla [Ting! Bumbilya epeks] kaya pala ‘nung panahong nagha-hunger strike si Mahatma Gandhi ay panay ang sigaw niya ng ‘Ma choud! Ma chould!’. Kala ko Ma chow! Kasi gutom.

Nagpaturo naman sa ‘kin ng mga basic ‘conversational’ Tagalog words ang mga kaopisina ko para naman daw ‘pag namasyal sila sa Pinas, may alam sila kahit konti.

Aussie1: How do you say bad words in the Philippines?
SUGAR: Gago tanginamo.
Aussie1: It’s very long. There’s no short version?
SUGAR: Pakyu.
Aussie1: What do you call an ugly woman?
SUGAR: A shrimp.
Aussie1: Those are english words!!
SUGAR: You’re not listening. I told you we were colonized by stupid idiot Americans.
Aussie1: What is beautiful woman?
SUGAR: Pokpok.
Aussie1: How do you say ‘Where’s the toilet’?
SUGAR: Asan ang takubets?
Aussie1: [*Nagkamot ng ulo] But before, you said it’s Si-ar.
SUGAR: Yes takubets for the boys, Si-ar for the girls. [Lusot]
Aussie1: How do you say ‘How much is this’?
SUGAR: Magkano ka?

Gugulong siguro ako sa katatawa ‘pag nalaman kong pumasyal sila sa Pinas. At hindi imposibleng hantingin nila ako ‘pag nangyari ‘yun. At meron namang kwentuhang hindi lang talaga ninyo maintindihan ang isa’t-isa.

Indian Girl: What do people in your country play?
SUGAR: We play basketbol. What about in your kantre? [* di maikakailang Pinoy]
Indian Girl: Oh in India, we play titi.
SUGAR: What?!
Indian Girl: Titi? That’s our national past time. We love playing titi.
SUGAR: In the Philippines, only men play titi.
Indian Girl: Why? Women there don’t like titi
SUGAR: They like titi but they only play titi of their husband.

Natapos ang usapan na hindi kami nagkaintindihan. Nalaman ko, ang ibig niya lang palang sabihin sa titi ay table tennis. Pa titi – titi pa kasi table tennis lang naman pala ibig sabihin. At isa pa ‘tong manager naming manang. Excited na lumapit tapos sabi ‘Ohhhh let’s go to Mt. Bulbul’. Syempre sinabi ko na ‘wag na lang, hindi mahilig ang mga Pinoy sa Bulbul. Di na ‘ko nag-elaborate kung bakit dahil pasimple na akong inapakan nung kasama kong Pinay. Sayang ‘yung joke ko, di ko na naituloy. Oh well.

Ang totoo, mas maboka ang mga Aussie kesa satin, di nga lang maintindihan. Kahit mga estranghero sa bus o train, bigla kang kakausapin. Kung minsan nga, dahil hindi din kami gaano magkaintindihan, sinasabi ko na lang, ‘Sorry. Me no english’ tapos nagsasalita ako kunwari ng intsik. Meron ‘yung kukumustahin nila ‘yung araw mo na parang matagal na kayong mag-kaibigan. Sa Pinas, ang mga marunong lang gumawa nun mga budol-budol gang.
......hooray to mt . bulbul......:) SUGAROO

BETLOG DIARIES

Ang hirap pag siksikan sa jeep. Kailangang ipitin ang betlogs mo para magkasya ang ibang pasahero at nang makalarga na. Sana na-foresee ni Papa Jesus ang ganitong krisis sa Pinas para ginawa na lang niyang detachable ang betlogs ng mga Pinoy. ’Yung pagsasakay ka na lang, isu-shoot mo na lang betlogs mo sa backpak mo o kaya makisuyo ka kay mayLabs na itago muna sa kanyang shoulder bag. Saka mo na lang ulit ikabit pagbaba ng dyip. [Isipin mo na lang ang mga magiging typical phone conversation sa opis: ”Mahal, naiwan ko ’yung betlogs ko sa bag mo. Wag mo kalimutan dalhin pag-uwi ha. Ay lab yu. Mwamwa”. Hehe. ]

Kung di ba naman kasi isa’t kalahating adik itong mga barker sa terminal ng dyip at FX. Pinipilit na magkasya ang sampung pasahero sa pang-waluhan. Wa e...peks ’yung naririnig ko sa radyo na ’Isipin mo na lang mag-isa ka’ kasi ramdam kong kalahati lang ng pwet ko ’yung nakasampa sa upuan. Sinisigaw pa ng mga barker na ito na ’Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa’, e kitang kita namang ’sangdangkal na lang ang natitirang espasyo. Pano na lang kung sumasaydlayn ’tong mga ’to na mambugaw ng chicks diyan sa may Kalentong? “Sige kasya pa ang dalawa, kasya pa. O bakante pa ’yung butas sa may tenga, isa pa dyan. Sa may butas ng pilikmata, pede pa yan. Dali at bibiyahe na sa langit”. Langya namang kaadik-adikang mga barker na ‘yan. Di mo alam kung nanadya o talagang nawalan na ng common sense. Buti at di rin naging waiter sa high class restoran ang mga barker na ‘to. Ang tino ng candle light dinner deyt kasama si myLabs mo biglang lalapit saka sasabihing “Kasya pa dalawa sa table 3, esmyuski tabi lang po”. Nakow kung nagkataon tragedy ang labas ng date mo minus one thousand pogi points agad. Reminder na ‘yan na wag kang gagamit ng credit card sa date. Dahil nga likas na malalakas ang boses ng mga ’yan, baka isigaw pa sa ’yo na“Sir! Yur credit card exceeded it’s limit sir! No more balance Sir”. Haha. Habaan mo na lang ang pasensiya at baka mahila mo ang kanyang esophagus sa galit, maging kriminal ka pa ng wala sa oras.

Kung di naman siksikan sa dyip, mamalasin kang makasabayan ang mga may putok at sa magkabilaan mo pang tumabi na di mo alam kung sa’n nila hinuhugot ang lakas ng loob na isampay ang kamay sa hawakan at magpahangin ng kilikili. Nakng tokwa talaga. At pag dinoble naman ng malas, nakakasabayan ko pa sa dyip ang mga bumbay na yuppies papuntang Makati. Dear God, wala ka bang suggestion box diyan nang masulatan kita na magpaulan ka naman ng sandamakmak na tawas at matamaan ang mga bumbay na ’to. Kahit 40 days lang na tuloy tuloy na umuulan ng tawas, tulad nung ginawa mo kay Noah noon at nang makatikim naman kami ng sariwang hangin dito sa Manila
 

pics etc


HIDDEN AGENDA ....BATIBOT

."BATIBOT ..sa mata ng mga bata"..
ilagay ang kanang kamay sa may bandang cleavage at yumuku-yuko na parang si ate guy

habang kinakanta itech sa tono nang "ako ang kapitbahay" by various artist ...
akez ang shopetbahay shopetbahay mez.
... laging handang tumulong sa inyetch
knowings niyo aketch
knowings niyo aketch
aketch jisa sa shopetbahay
shopetbahay ninyetch ...

o mga otokiz at mga bilatchi-chinatown, knowings niyo ba kung sinetchuwara aketchi

agbayani? wiz??!!
akez ang shopetbahay nina pong pagong, kiko matsing at kuya bojie na madalas

pumakyaw sa pancit ni ate sienna (ang totoo, lugi siya sa batibot kaya pumwestong

jollyjeep na lang siya sa makati). pero pero pero never akez nabanggit sa batibot

kasi harmful daw to your kids.
mas matatalino na mga junakers ngayenchi kesa sa inaakala ng madlang pipolets.

minsan nga mas marami pang alam ang mga bagetz kesa sa mga tander boltz and

lightning.

at bakit yung jisaers sa mga weirdong teletubbies na yan. si tinky-winky, yung

kulay purple. o davah! vecky'ng-vecky. wiz siya color violet, furple as in furple

para kitang-kita ang veykla effect.

si tinky-winky e jisa sa shopat na batang alien na lulurki daw pero ang favorite

niyang toy e handbag in pok pok red pa ata. landi noh?
ang point, wa itech sa kung sineklavu ang napapanood sa tv. nasa mabuting

pagpapalaki at pagpapaliwanag yanchi ng mga maderaka at paderaka ninyetchi.

"anak, ganyan talaga si ricky reyes, favorite niya ang shining shimmering na turtle

neck."

"anak, si roderick pag hindi ita, igorot o host sa pera o bayong e bakla talaga ang

role niya. buhat nung 80s pa. minsan minsan e tiyuhing sobrang strikto ... kasi may

tinatagong kabadingan. so ... bading pa din. typecasting ang tawag don."

o ano ka ngayon?! echos!

so knowsline mo si atashi? keri keri lang, one more time with feelings!

GINAHASA AKO ...sa mrt

THE MRT DILEMNA.."TINULAK , NIYAKAP ...INAPAKAN'
TINULAK, nakitulak, minura!

In other words: Maraming beses na akong naitulak subalit binalewala ko lang. Sa pagkakaalam ko kasi given na 'yung maitulak ka.

One day, isang araw, naitulak ako ng isang lalaking talo pa ang kabayo kung tumakbo. Sa lakas ng tulak nya, naitulak ko tuloy ang nasa aking harapan. At nagkaroon agad ako ng isang bongang-bong...ga at malutong na "Putang ina".

NIYAKAP, yumakap, nasampal (almost lang naman).

Translation: HIndi lang isang beses kundi apat na beses na akong nayakap and still counting. In a very undesirable situation of course.

Una, isang babaeng kunyari ay nahilo sabay yakap sa akin. 'Nung nakita 'nyang geisha ang niyakap 'nya tumalikod ang gaga at nag recite ng "ama namin". Sinubukan ko rin one time na ako naman ang yumakap.

Kunyari natumba ang drama sabay hawak sa braso ng isang lalaking makisig at gwapo. Pero tuso ang pesteng yawa! Alam 'nya ang modus operandi ko. Nasa 1 pa lang ang bilang ko para sa qeue na "action" kumilos na ang gago! Ayun, si Lolo ang nayakap ko. Buti na lang di ako sinampal!

TINAPAKAN, gumanti, nasipa.

Samakatuwid: Minsan sa sobrang pagmamadali, hindi na natin iniintindi kung ebak man ang ating matapakan. Lalo na pag sobrang siksikan, hindi talaga maiiwasang mamatayan ng koko lalo na kung military boot ang suot ng lecheng aapak sa paa mo.

Tatlo sa aking pinaka-paboritong koko ang muntik ng paglamayan sa Buendia. Buti na lang nahila ko aking paa kaya isa lang ang napinsala. Twing naaalala ko ang eksenang 'yon, lagi kong naiisip ang paghihiganti kaya isang araw, habang papalabas na ako, isang paa ang humarang sa akin.

Sa pag-aakalang kakayanin ko ang pagtaboy sa luyang iyon na pagmamay-ari ng construction worker (may halong semento kasi) sa pamamagitan ng bonggang pagtapak, isang malakas na stomp your foot ang ginawa ko. Pero malakas si kuya, nasipa 'nya ako bago pa amn ako makalabas.

It was then i realized vengeance is not ours, it's from the construction worker!

Ikaw?
Anong lessons mo from riding the MRT?

IMPAKTITA

impaktita ka

para mapaniwala yung taumbayan sa powers mong magmaganda, kelangan may hatak ka na sisigaw at titili at magwawala pag umeeksena ka na. kahit mali-mali ka na e puro lang sila sigaw at tili at walang pakundangang pagwawala. yun ang silbi nila sa pageant.

kung duda ka sa hatak power mo, deadma ka lang. may remedyo yan, gurl. kung may nababayaran nga para mag-rally, ka-sure si atashi na may mahahatak ka ring magchi-cheer para sayo.

strategy yan e. pampalakas ng audience impak.

kaya pag nakalusot ka sa miss yu, ipagkalat mo agad sa friendster tsaka myspace tsaka multiply, o kahit sa mga shopetbahay mo na lang, na naghahanap ka ng audience mo. chikka mo lang na libre cotton candy at stork at kornik at kung anek-anek pang ginang give-aways tsaka pangkabuhayan showcase, na may kasama pa itung chippy at chiz curls na may kalakip na picture ni nora aunor prom da flor contemplacion story.

sabihin mo ring wit na nila kerri mag bringalu ng banner, streamer at plakard cheverlyn kasi gawa na itu at gigiblaban mo na lang sila. yan ang prepared ahihihihi!!!

kung yung ms photogenic award e dinadaan sa text votes, magagamit mo rin yung audience impak mo diyan. pangakuan mo lang ng pasa-load para sa lahat ng smart, globe, sun at tm subscribers ... pati na rin yung sa islacom, kung meron pang tira-tira.

MACHOPAPA...d' unwritten rules

Maraming unwritten rules ang pag-ibig. Hindi mo gagawin dahil hindi dapat. Para itong pag-dura ng plemang kulay green in public o pangungulangot at ipipapahid ang nasungkit sa ilalim ng lamesa o sa likuran ng upuan ng bus.

Pero hindi lang sa pag-ibig ang maraming unwritten rules, pati sa pag-pili ng lalakeng makakapareha, lalo na sa mga babae na hanggang ngayon ay natutu...log pa para managinip at mangarap na sana balang araw ay magkaroon sila ng tinatawag na “Boyfriend”.

Magbibigay ako ng tips kung paano kayong mga babae ay hindi maiisahan ng isang Rustom Padilla. Importante na pagtuunan ninyo ito ng pansin at pasalamatan ako kung may mapulot man kayong aral. Gawin ninyo itong batayan, bakit? Dahil sinabi ko.

1.Hindi dapat nag susuot ng ternong Puting sapatos at Puti Pantalon. Depende na lang kung DOM o kaya Golfer, DOM na Golfer.
2.Hindi dapat nagsusuot ng Square neck sando, V-Neck T-shirt at Itim na sando.
3.Hindi dapat BoyBand / K-Pop Fanatic – Paano nya i-rorock your world kung mas inuunahan ka pang sumabay sa mga nakakalason sa pandinig na kanta ng back street boys at one direction.
4.Hindi dapat naka-tuck in ang damit sa loob ng brief. Ang tunay na lalake ay may tae sa brief, hindi sa likod ng layayan ng t-shirt.
5.Dapat nandang mag text ng tsup tsup mwah mwah – Seryoso, madaming relasyon ang nasira dahil walang kiss ang text message.
6.Dapat Safeguard lang ang sabon ng tunay na lalake, wala silang ibang sabon para pansabon sa puwet o paa. Bukod pa ito sa nakamamatay ang safeguard ng 99% ng germs.
7.At hindi nag-coconditioner.
8.Hindi dapat nag paplantsa ng buhok para umunat ang bangs.
9.Hindi dapat nag papafacial.
10.At hindi dapat naliligo na lampas sa 15 minutes, kasama na ang pag jebs.
11.Hindi dapat nahihiyang kumain ng oat meal. Joke.
12.Hindi dapat kulay pink na braces sa ngipin.
13.Dapat nag uulit ng pantalon.
14.Hindi dapat bumibirit ng “Through the fire” sa pagligo o sa public.
15.Hindi dapat nagpapahid ng lip gloss.
16.Dapat walang alam sa chismis o showbiz at lalong walang pakialam sa Gerald – Maja – Kim Chu.
17.Hindi dapat nagbabanggit ng “Peg”, “Bet ko”, “Delicious”. Seryoso? Sinong lalake ang hindi nagpapahalaga ng dangal nya ang nag sasabi ng Bet ko? Malamang palamuti at pambalanse lang sa pag lakad ang ang Betlog non.
18.Hindi dapat nag susuot ng tsinelas na Havainas.
19.Dapat mahilig tumingin sa FHM pero hindi gagastos para bumibili ng magazine na ‘yon.
20.Hindi dapat sumasayaw ng oppah gangnam style… Nanaman.
21.Hindi nag ba-bake at walang collection ng cook book.
22.Hindi nahihiyang magkamot ng betlog.

Uulitin ko, ang mga batayan at gabay lang ito para doon sa mga babaeng naghahanap ng tunay na lalake na seseryosohin. Yung mamahalin at hindi gagawin panawid romansa ang mga tunay na lalake sa nararanasang tagtuyot. At para ito sa mga babaeng wala sa ugly zone. Kung nasa Ugly Zone ka, dream on.

Kung hindi kayo sang ayon sa mga sinabi ko sa taas, ayaw ko kayong maging kaibigan. Kung natamaan man kayo, hindi ko kayo hinuhusgahan. Babalikan ko yung lalakeng naka tuck-in ang damit sa loob ng brief, parang may misteryo talagang nakabalot sa ganung gawain. Wala naman akong nakitang babaeng naka-tuck in ang damit sa loob ng panty.

Gawin ninyo itong checklist, kapag may sablay ang tawag sa kanila ay MACHUPAPA.

1-800 SPACESHIP

BUHAY CALL CEN ...1-800 spaceship
The LOOK: Ang hirap talagang magtrabaho sa call center. Di importante kung Sekyu o agent o supervisor o trainor o presidente ka ng kumpanya. Paglabas mo sa umaga parang may salbabida sa palibot ng iyong mata sa laki ng eyebag mo. Parati kang mukhang guilty sa lahat ng bagay dahil di mo maiwasang matulala sa antok. Kagaya na lang nung isang araw, sumakay ako ng b...us pauwi sa maNdaluyong. Pagkaupo ko sa bus may maiit na batang napadpad sa malapit sa upuan ko. Ngumit ako dun sa bata sabas taas ko ng palad ko na aktong hihingi ng isang “gib mi payb”. laking gulat ko nung biglang kinaladkad ng nanay yung bata, sabay sabing “maghunosdili ka ngang bata ka, kung kani kaninong tao ka lumalapit di mo ba nakikita na mukhang adik yang”. sabay nguso sa akin. “..tingnan mo nga yang mata, mugtong mugto parang wala pang tulog, ganyan ang epekto ng shabu, hindi ka patutulugin!” Sus ginoo! Wala kang magawa kung di magkamot na lang ng ulo.

Dito sa trabahong ito ka din makakakita ng mga taong naka sunglasses sa hatinggabi. Ang usuall na paliwanag ng agent eh “Its so bright on the floor eh!” una kong narinig ang linyang ito nung nag-aaply pa lang ako. natanong ko tuloy sa sarili ko kung papano nila nilagay ang ilaw sa sahig. Yun pala, Floor ang tawag nila dun sa working area. Naisip ko tuloy dati na hindi ako magsusubayb sa trabahong ito. Di pa man din ako nagsisimula eh litong lito na ako. Kelan ko lang na realize na gumagamit yung iba ng sunglasses hindi dahil sa it’s so bright on the floor eh kung hindi dahil ang iba ay sumisimple ng tulog.

The WORK: Minsan tinatanong ako ng kapitbahay kung ano daw ba yang call center? paano ka daw ba kikita diyan? So kailangan mong i explain ang basic concept ng Outsourcing, ng BPO at kung ano ano pa. Pagkatapos mong magkabulol-bulol mag-explain, tatango-tango lang ang kausap mo tapos tatanungin ka ulit ng “e ano nga ba yang call center? paano ka ba kikita diyan?” Anak ng pota. Makakapatay ka talaga ng tao. Kaya nga minsan di ko na lang sinasagot ang mga tanong na ganito.

Narinig nyo na ba yung tinatawag nilang Toll-free number? Ito yung mga Telephone number na nagsisimula sa 1-800 o di naman kaya ay 1-866. Ganito ang konsepto nun; may amerikanong bumili ng spaceship tapos gusto niyang malaman kung papano bubuksan ang pinto, o kung gusto niya malaman kung pwede bang gumamit ng deisel sa makina o di naman kaya ay kung papano irecline ang upuan, instead na buklatin niya yung manual na ksama nung ipinadala yung spaceship, tatawagan ka niya para iexplain lahat lahat. At kung minamalas-malas ka pa, bibingo ka pang makakatanggap ng tawag sa kanong halos isubo ang receiver ng telepono sa galit. Bakit daw ganito daw ang ganito? bakit ganun daw ang ganun. Tinamaan ng lintik! Sa madaling sabi, Ikaw ay isang walking manual o di kaya ay walking calculator o tinatawagan ka lang para bulyawan ka dahil pinagalitan siya ng misis niya nung hindi niya mapaandar yung spaceship.

Wednesday, April 24, 2013

Magpakababae Responsibly

" Babae Series...MAPAKABABAE RESPONSIBLY

Naghuhurumentado man sila kapag nireregla, galangin at pahalagahan natin sila. Dahil malungkot ang mundo kapag lahat ay nasa ayos. Aanhin natin ang perpektong buhay, walang hassle at problema? Boring ‘yon. Kailangan natin sila, at ‘yon ang katotohanan. Kailangan ang mga babae sa buhay ni lalake. Pero babala, ang babae ay babae. Ganyan na talaga ‘yan. Isa ...sa rule sa pagtrato sa babae ay intindihin sila kagaya ng mga nasa ibaba, at ang rule na ‘yan ay imbento ko lang.
Hindi sa chinchansu nakasalalay ang kagandahan ng isang babae, pangit at wala kang sex appeal kapag hindi mo naranasang sipulan at pagnasahan ng mga tricycle driver doon sa kanto.
Sa babae, walang point ang pag amin at pagsabi na “Malaki ang braso ko” kung ang suot mo ay sleeveless. “Magflex, Magpapansin Responsibly.”
Breast milk is still best for babies… and for daddies too. Pero huwag magpasuso sa pampasaherong Jeep.
Huwag mag-aksaya ng pera. Hindi savings ang tawag sa pag-papanic buying sa mga mall para makakuha ng 50% na discount sa bag, hindi nakikipag sex ang pera sa wallet, kaya hindi ito dadami.
Huwag mawalan ng pag-asa sa buhay, kung wala kang boyfriend, mangarap ka at magworkout. Keep dreaming and dreaming and dreaming.. So keep sleeping.
Ang make-up ay pwedeng pandagdag sa kaayusan sa hitsura, pero huwag gawing canvas o coloring book ang mukha dahil konti lang ang nakakaappreciate ng “art” sa painting lalo na kung abstract.
Makakatulong ang pagpapakita ng konting cleavage. Pero ang cleavage ay maganda sa harapan, hindi sa may puwetan. Tandaan, ang lahat ng sobra ay hindi maganda, tama na yung isang cleavage.
Hindi siya model, feeling lang ng mga babae ‘yon dahil sa instagram. Matutong tumanaw ng utang na loob sa Instagram.
Sa babae kapag ang lalake ay pangit at sinusubaybayan ka ang tawag nila doon ay stalking. Pero kung gwapo ka, hindi stalking yon, crush mo daw siya.
Kapag apat ang cellphone mo at single ka naman, anong point? “Pwede po bang pa-load miss ng Unlicall at unlitext? jejejeje”
Hindi nagdedress ang babae para magpaimpress sa lalake, nag-dedress sila para i-out dress ang mga kasama nila. Tandaan, kung magpapaimpress sila sa lalake, maghuhubad sila.
Huwag mag-inarte, huwag mandiri sa pornograpiya kung nagbabasa ka ng 50 shades of gray sa publiko, mas magaling pa si Xerex dyan. In short, parang nagbibitbit ka lang ng tabloid. Isa pa, try mo yung audio book ng 50 shades of gray. Ooohhhh… Aaaahhhh….
Flirtationship. Ang status na pwedeng ipamalit sa it’s complicated o friends with benefits ng mga babaeng may kaharutan, delikado nga lang ang Flritationship kapag fertile ang babae.

Ang babae ay minamahal at hindi sinasaktan. Ang babae ay ang ilaw ng tahanan. Ang babae ay may kakayanan na makipagaway at maghurumentado na walang dahilan lalo na kapag may regla sila. Ang babae ay ayaw sa lalakeng matagal magreply sa text. Ang babae ay parang adobo, mahalagang sangkap nila ay toyo. Ang babae ay dapat pinapahalagahan, pinaparamdam na maganda sila – kahit pangit yun iba, kaya ang babae ay binobola (Ang pambobola ay isang sangkap para sa isang matamis na pagsasama, kung wala ito, boring. Huwag lang sosobra). At ang babae kapag wala sa hulog dapat maging babae na lang sila sa septic tank. Ang babae ay may utong.

Kung hindi mo nabasa ang pangalan mo dito, hindi ikaw ang tinutukoy ko, pero kung pakiramdam mo ay ganun ka, enjoy!

ANU ang DEKADA 80 mo

THE 80's ...flashback sa d' best year ....dekada 80

1. Pogi ka kung kasama sa porma mo ang SperryTopsiders, K-Swiss, Espadrilles (na pinilahan mo pa sa Whistle Stop o sa Cash and Carry), Tretorn or Dragonfly sneakers, white Spartan sneakers, argyle socks, woven leather belts, Chaser, Lacoste, Ralph Lauren at iba pa, one-size-fits-all Hanes T-shirt with the print of your favorite New Wave band, pa...bangong Chaps, Bowling Green , Gray Flannel or Kouros, Denman brushes, Dippity Do or Dep hair gel, Bermuda shorts worn with plaid long-sleeves.

2. Macho ka kung ang porma mo ay parang kay Don Johnson ng Miami Vice at kung naglalaro ka ng football o nag-aaral ka ng tae kwon do or marunong mag butterfly kick tulad ni Ralph Macchio sa Karate Kid. Sobrang macho ka kung may pandesal ka sa tiyan habang nakasuot ng hanging shirt.

3. Pretty ka kung meron kang pencil-cut skirt (calf-length, three to four inches above the ankle), pabangong Nenuco o De Ne Nes, permed hair a la Madonna or teased bangs na pinatigas ng Aquanet, shoulder pads ala Joan Collin a.k.a. Alexis Carrington in Dynasty), Benetton shirt, Esprit outfit at namimili ka ng gamit sa Sari-Sari, Tokyo Hannah,Tickles and Regina 's in Shoppesville.

4. In na in ka kung napuntahan mo ang mga concerts nina Mike Francis, Swing Out Sisters, Menudo, Earth, Wind and Fire, James Ingram, Genesis noong unang punta pa lang nila dito sa Pilipinas.

5. Sosyal ka kung malimit ka sa Jazz Rhythm & Booze at kumakain ka sa Cafe Ysabel, Bistro Burgos, Dean Street Cafe, Angelino's and East St. Lois, Cosmo and Kudo's at nag-babakasyon ka sa Matabungkay Beach Club o Baguio Country Club.

6. Wala pang videoke kundi karaoke.

7. Ang preso lang may tattoo.

8. Akala mo'y magkakatuluyan sina Ate Shena at Kuya Bodjie.

9. Ang intindi mo ng LOL ay ULOL imbes na Laughing Out Loud.

10. Na-tsismis na bulati ang beef patty ng Jollibee.

11. Kinilig ka nang malaman mong ikakasal si Pops at si Martin.

12. Piso lang ang isang basong taho at kailangan mong magdala ng sarili mong baso kasi wala pang plastic cups no'n si manong magtataho.

13. Lechon Manok pa ang pinag lilihihan ng taumbayan.

14. Tarzan, Jojo, Bazooka Joe, Clover bits at Tootsie Roll ang pinagkakagastusan mo ng mga beintesinko mo.

15. Nagkakakalyo ka dahil typewriter pa ang ginagamit mo para sa mga school paper mo...kaya bentang-benta pa ang carbon paper at liquid paper.

16. Sa Ortigas Center ka tinuturuang magmaneho kasi puro talahib pa yon no'n.

17. Cool ang bumati sa iyong crush sa FM radio.

18. May mascot pa ang 99.5 RT na binebenta sa Gift Gate.

19. Baduy pa noon si Lea Salonga dahil sa That's Entertainment.
20. Iniisip mong dapat mag-retire na si Jaworski dahil kuwarenta na siya.

21. Egoy na egoy pa si Michael Jackson.

22. Si Harry Gasser ang newscaster ng bayan.

23. Kay Amado Pineda ka lang naniniwala pag ukol sa panahon ang balita.

24. Sintonado pa ang Eraserheads habang nag-ja-jamming sa Club Dredd.

25. Tinuruan kang mag-toning ng iyong nanay dahil kay Johnny Midnite.

26. Naglalagay ka ng pyramid sa tabi ng iyong unan para good vibes.

27. Nilalagyan mo ng watch-guard ang iyong Swatch.

28. Herbert Bautista was a campus politician.

29. P18 to $1 ang palitan sa black market.

30. May black market pa noon.

31. Illegal pa ang mga paputok.

32. Ang paborito mong tsokolate ay Chocnut at Mallows.
33. Drag race sa Greenhills at Corinthians

34. Kumain sa Burger machine o sa Goodahhhh ng madaling araw.

35. Dalawang piso lang at Chippy at solong Coke.

Idagdag ko lang ang mga biglaang pagsulputan ng mga sentai gaya na lamang ng maskman, ganun na rin si shaider, machine man, turbo rangers, jetman, fiveman atbp.

Kung alam mo ang karamihan sa mga yan, malamang, isa ka ring batang 80s.

PAKIALAMERO

ECHOSERANG SERIES ..." TSISMIS"... mga bagay bagay at buhay buhay

Likas na sa ating mga tao ang pagiging tsismoso’t tsismosa o para magandang pakinggan, mausisa o may kuryusidad sa mga bagay bagay.

Maliban sa planking, pekpek shorts, sandong parisukat at pag-rurugby usong uso din ang pakikiaalam sa mga bagay-bagay, buhay ng may buhay, likas na paki-alamero sabi nga. Lagi tayong takot, madaling... mabagot at gustong sulitin ang mga bakanteng oras na dumadaan.

Napakatipikal na sa bawat tao na pakialamanan, magmagaling at hindi nawawalan ng masasbi sa bawat makita nating kakaiba at napakainteresante (marami kasing sobrang tatalinong tao). Bakit nga ba? Ewan. Nakaka-ngati ba ng mata’t dila kapag nakita mo ang mga tulad nang mga halimbawang ‘to:
Kagaya na lang kung may mali ba kung underwear ay pink at nagsusuot nito ay lalake.
Mga malalaswang profile pictures sa networking sites (Hindi ko na babanggitin yung nakahubad, nakadapa at nakalabas ang dila.).
Kung ilan ang populasyon ng bakla at tomboy at kung ano ang pananaw nila sa RH bill, tatangkilik ba sila ng condom.?
At dun sa mga empleyadong resign ng resign pero… di bale na nga lang, di ako interesado, nakakasawa na.
Kung yung bang nag aalok ng sun life na insurance ay bibigay pagkatapos pirmahan yung inaalok na insurance. (Di ko alam, pero ang sabi sa akin ati, she can only love me as a brother.)

Masama ba ang tsismis o hindi? Kung katanggap-tanggap ba na ang pagiging matalino sa bawat bagay at gusto mo ay may masabi palagi? Pero sigurado ako, gusto nilang maging bida ang mga pasimuno nito, sila ang mga magagaling.

Walang aamin sa atin na tayo, bilang isang tao na matawag na tsismoso’t tsismosa. Puwera na lang kung isa kang baklang mahilig sa artista kagaya ni…Lolit Solis?!? Ewan. Pero ang lahat naman na puwedeng pag-ugatan ay nababasa sa mga social media sites kagaya ng facebook.

Ang tanong, sinong mas tsismoso, ang lalake ba o babae? Hindi ko masasagot ‘yan,pero eto ang obserbasyon ko.

Kapag ang babae, nagpost sa facebook ng “In a relationship with [INSERT VERY MANLY NAME HERE]” Anong puwedeng mangyari?

1. Gagahasain ang “Like Button”.
2. Titignan ang profile mo at profile nung karelasyon mo.
3. At dudumugin ng comment ang post/status mo sa wall.Kung iisipin mo, kapag babae, 300 comments.

Pero kapag lalake naman ng nagpost sa facebook ng “In a relationship with [INSERT VERY FEMENINE AND SEXY NAME HERE]” Anong puwedeng mangyari? Sa tingin ko dalawa lang:

1. Walang papansin sayo, at virgin na virgin ang like button sa post mo. Nilalangaw ang post mo ika nga.
2. Walang comment, pero kung meron man asahan mong ang mababasa mo lang ay… “ULUL MO”. o di kaya ay, “Taena mo.”

Ayaw kong sabihin na babae ang mahilig sa tsismis, siyempre pati mga bakla din. Dahil ang naniniwala ako na ano mang ang kayang gawin ng lalake ay kayang kaya din ng babae. Sabi nga nila, kayang higitan ang ginagawa ng mga lalake. Kagaya ng mga lalake kung kaya nilang manligaw ng babae, kayang kaya din ng mga babae na manligaw ng… ewan ko… Girl Power! Yun na lang.

STAR AKO

STAR AKO...behind the scene sa takilya
kung si ate vi e sikat sa puting panyo niya tsaka sa "i love you, lucky!"; at si lucky sikat bilang si luis; at si luis nag-endorse ng lucky me pansit canton; at si kuya dick e popular dahil lagi siyang bakla sa tv at movie; at si ogie alcasid e tanyag sa pagsulat ng mga songilets na halos pare-pareho ng tunog; at si aiza siguerra e kilala sa pagkanta ng mga ...kantang repeat to fade ang lyrics (akala mo hindi ko pansin, akala mo hindi ko alam, akala mo hindi ko pansin, akala mo hindi ko alam ...); at sina ate showie, doc aga, at ngayon si manny pacqiao e kontes-kontesan sa paramihan ng teevee commercial; at si doktora belo sumikat kay hope na sumikat dahil kay kris na nagpasikat kay james yap na ngayon e endorser ng goldilocks; at tong si ateng cory quirinio e sumikat dahil sa binateng itlog, honey, calamay, panocha, avocado, pipino, pakwan, kamatis, atis, luya, melon, embutido, mashed potato, sinigang, sisig, escabeche, lechon paksiw, pinaksiw na isda, kinilaw at kung anek-anek pang pinapahid niya sa fez niya sa ngalan ng tiis-ganda ... e marami-rami pang tulad nila na famosa sa larangang pinili nila. azz in na-ferpek na nila itu. hindi na sila choozy. kaya pag binago mo, parang off sa umpisa pero katagalan masasabi mo, "oo nga, noh?"

halimbawa ...

si manay celia rodirguez eh hindi mo pwedeng gawing mahirap. tanggalan mo man siya ng fabulosang costume o kaya ng bubuyog shades, tanggalan man siya ng muk-up tsaka nung scarf, damitan man siya ng magsasaka at isalampak sa gitna ng sakahan, kerri pa rin niyang mapaniwala ka na kanya yung buong lupain. hanggang sa mare-realize mo na lang nautusan ka na niyang magsaka para sa kanya ("mayaman akoh, dahling!!!")

si daria ramirez, yung mudra ni keempee, ang bagong perla bautista na walang ibang linya kundi "wag mong ilagay ang batas sa yong mga kamay." siya ang larawan ng matiising maderaka. kung hindi siya mapag-arugang nanay o binubugbog ng asawa o biktima ng pangangaliwa e meron siyang malubhang kaso ng tuberculosis. UBO! UBO! UBOOOOOOO!!!

yung tatay ni janno gibbs, si ronaldo valdez e laging tatay na dispalinghado, pabaya, lasinggero tsaka walang trabaho. ka-level niya diyan si pen medina, na laging may words of wisdom bago umexit sa eksena para bumili ng gin-bulag.

si jaime fabregas e laging abugado o basta kahit sineklavung kanang-amay ng mayayaman. o kaya naman isa siyang nalulukaret na scientist na super shogo sa laboratoryo kung saan nadiskubre niya ang halimaw sa banga. ka-level niya si tommy abuel na madalas abugadong namemeke ng pirma o guilty sa money laundering.

si sylivia la torre e wit ko sure kung naging dukha na ba ever. pero lagi siyang sosyalerang yaya o tiyahing may boses na nakakaloka. basta feel ko kahit naging mahirap siya kakanta pa rin siya habang nagkukula.

si rosa rosal di ko lang din ka-sure. azz in di ko lang ka-sure kung naka-peluka siya o kung anong brand nung fundasyon na ginagamit niya. pero sure ang lola mo, mahirap o mayaman man si lola rosa, manghihingi pa rin siya ng donasyon tsaka litru-litrong dugo para sa mga nangangailangan.

si vangie labalan, yan sure ako, never naging mayaman. sana gibsungan siya ng break. lagi na lang siyang palengkera, shupet-bahay na pakialamera o kaya taumbayan na nagiging aswang pag bilog yung buwan. pag giniblaban siya ng chanz as in gib chanz to run e kerri naman niya siguro maging mayaman ... na palingkera, paki-alamera tsaka maysa-maligno.

si dexter doria laging middle class yan. kasi pag yumaman siya duda ka na yumaman siya dahil sa jueteng, sakla o pagbebenta ng mga pekeng ginto at kung anek-anek na klaseng estafa. pag naging mahirap siya, ganon din. kaya middle class na lang.

si luz valdez, forever na siyang si luka sa paningin ko, yung ultimate kontravidah sa buhay-makulay ni enteng kabisote. kaya wit ko ma-getz nung maging donya siya sa daisy siete. OO, nanunood akiz ng daisy siete, pag wit ko bet maborlogs tanghali.

si gloria diaz pwede niya ko mapaniwalang mayaman siya. o mahirap. pero dating nanirahan sa states sa "sana'y maulit muli"? ibang usapan yan. lokohan na to. lokohan na to!

si ruffa bet ko makita sa putikan. pero hindi pa rin siya magmumukhang mahirap. para lang natisod sa sarili niyang heels. shonga pero bongga pa din.

si sheryl cruz, sabi ng friendship ko, wit makaka-convinz na naghihirap siya tsaka sa skwatteric nakatira. pero kumbinsing na kumbinsing siya sa sheryl cruz na duling na inlababong-inlababo kay romnick sarmienta. na-forget ko na yung eksena pero may ganon siyang drama.

si caridad sanchez pwedeng maging mayaman pero sa probinsiya lang. gawa ng multiple endorsement ng simeco sa mga suking tindahan.

si bella flores sana gumanap na fairy god mother.

si senyora brigida este liza lorena pwedeng maging pinoy version ng teletubbies, with matching tungkod pa.

si glydel mercado e sana mabigyan ng role na medyo nakapikit naman siya ng konti. lagi na lang siyang nandidilat. kahit wit ka numongga ng kape magugulat ka talaga.

si soliman cruz sana e may eksenang yumaman siya.

si bembol roco sana magka-buhok na, kahit isang episode lang. try lang kumbaga. mura lang naman ang peluka.

si connie reyes sana bumalik sa camera. pwedeng as dating burlesk queen o bugaw o mama sang, para lang maiba. challenjing yun, davah?!?!

si tita mids, panalong mga eksena sa kaparangan singing "aawitan kita ...". at dahil magaling siyang aktres, ba't di niya kaya subukan yung mga role kung saan kelangan niya mag rap.

pero gudlak na lang davah!?!?! kasi nga pag sumikat ka na, kaka-bokot nang sumubok ng bago. orkot ka na baka hindi ka na katanggap-tanggap sa iba. ayaw mo lumabas sa comfort zone mo kasi ang saya-saya kahit suyang suya ka na.

maliban na lang kung ikaw si lilia cuntapay, yung matandang babae na ubanin yung mahabang buhok, na present ata sa halos lahat ng episodes ng shake rattle en roll. kurek! siya yung lolaru sa mga jolikula na wit mo knows yung pangalan kasi natatakot ka nga sa kanya. minsan yung mga eksena niya e dadaan lang siya sa camera o kaya pag nasiraan ng sasakyan yung mga bida sa gitna ng kawalan e lilitaw siya bigla para magtanong ng oras o magpa-pasaload. yung bida naman run sa malayo kasi afraid siya dun sa mashonda. siya nga, at wala nang iba, si lilia cuntapay, ang forever walking shuktay.

kung ikaw nga naman si aling lilia, kating-kati na paa mo lumabas sa comfort zone mo. akswally dead malaysia ka na sa comport-comport zone na yan kasi wish mo lang na minsan mabigyan ka ng role sa sex in the city tsaka desperate housewives.

pero gudlak na lang davah!?!?! feeling ko lang kasi, pag giniblaban siya ng role na mayaman sa isang fabulosang sabdibisyon, ipi-pitisyon ng taumbayan sa homeowners na itali siya sa poste ng meralco para silaban ng buhay habang sumisigaw ng "aswang! aswang!" kahit ang totoong aswang in the city eh si alma moreno o si aiko, di ko lang ka-sure.

kakalurki, davah?!?! kaya, aling lilia, magsama na lang kayo ni dominic ochoa.

(pero nasama si aling lilia sa jolikulang "brokedown palace" na parang brokeback mountian siguro minus da bundok plus da palasyo-ever. ewan. di ko pa siya napapanood.)

BYUKUNERANG BAKESHOP SERIES

ECHOSERANG BYUKUNERA...." BINIBINING VAKLUSH 2013..." do's and dont sa byukon..para di k thank you girls
1.PROJEK
mahalaga yung pagpo-projek na yan, kala mo.

importante na umaangat talaga yang look mo sa iba. kasi kung hindi e sana hindi ka na lang sumali ng pageant. sana nag wowowee ka na lang at naki-boom tarat sa madlang pipol, baka naging bigaten ka pa.

siyempre may opening danz number y...an, dapat rehearsal pa lang projek na projek ka na. yung level na maribeth bitchessa na may pabuka-buka pa ng bibig tsaka pouching-pouching ng lips kahit step-step-kick lang ginagawa niyo. projek lalu pag may jazz kick nang kasama. para naman mapansin ka ng prodyuser at ilagay ka sa harap. pag nagkataon, projek ka lalu para isipin ng taumbayan na ikaw nag-koryo nung buong sayaw ahihihihi

eh yung iba kasi natural na havs nitech. yung iba kelangan pagtrabahuan ng over. nagagawa yan sa pamamagitan ng pagharap sa salamin at pagpa-praktis mag-projek. pag nagulantang ka sa sarili mong fez, yun na yon. pero pag witchikels pa, try ka na lang uli later. kung may sakit sa puso, iwasang gawin sa madaling araw.

dapat kasi nangungusap yung look mo. tingin mo pa lang, sentence na. chikka nga ng guro, may kumplit tot itu. para ma-test mo, mag-projek ka kung kani-kanino.

pag tinanong ka kung OK ka lang, PROJEK.

pag tinanong kung anong oras na, PROJEK.

pag tinanong kung aneklavu order mo, PROJEK.

pag tinanong kung dine in o take out, PROJEK.

pag hinold-ap ka, PROJEK.

pag tinanong kung lukaret ka, PROJEK.

projek lang nang projek. pag may nagreact, gano man itu ka-bayolente, kerri yon. ibig sabihin lang non kuha mo na ang pagpu-projek ahihihihi

2.EKSAHERADA sa GOWN
siyempre pinaka-aabangan ang eksenahan sa best in national kostyum. kasi diyan nanggagaling ang wow-pakshet-nagulantang-ang-bangs-ko factor. yan yung unang chanz mo magpa-bibbo cheverlou.

pero para maiba naman, deadmahin na yung LUZVIMINDA kostyum. gasgas na yan. yung igorota epek na may palayok-palayok sa ulo, ilan beses ko nang na-sight yan noh???

ia-assume ni atashi na pilipinas yung ire-represent mo, davah?! tapos kunwari nabulag mo yung bb. pilipinas at ikaw daw talaga pinadala sa miss yu. so ngayon pa lang e isip ka na ng mga pang national kostyum na talagang pinoy na pinoy.

andiyan yung kostyum ni darna. orig natin yan, kahit mukhang piniratang bersyon ni wonder woman e deadma ka na lang. pag tinanong ka bakit yan, sabihin mo kasi simbolo siya ng strong woman o kung bet mo may sosyal relebanz e sabihin mong representasyon ka ng nakakalokang kahirapan sa pinas na sa sobrang walang makain e lumulunok ng lang tayo ng bato tapos ngumangawa. davah, nahanapan daw ng konek nyahahahaha!!! pag pilian mo din sina inday en da golden bibe, valentina, volta at kahit isa lang sa super amazing twins, kung sino man sila.

kung gusto mo rin na swak sa panlasang pinoy ang kostyum-kostyuman mez e try mo, azz in suggestment ko lang naman itu, try mo lang magpa-construct ng national kostyum na gawa sa adobo. yung may karne, dahon ng laurel, toyo, suka at pamintang buo. ampinoy, davah??? baka matakam sayo ang mga janis hurado.

o kaya suot mo na lang kostyum ni jollibee para at home na at home ka talaga. kakaiba yun, in fuhrnezz. may konse-konsepto kunwari ahihihihi ... eh kung bet mo ng gurlilet, try mo din si hetty spaghetti, yung mascotterang nagkalat ng spaghetti sa sarili niyang buhok. anoveh?? kaya lang baka isipin ng mga hurado na dugyutin kang bilat, so mag-jollibee ka na nga lang. O KAYA SI SCOTT BURGER BWAHAHAHAHA!!! yung obis na batang may dakekang na hamborger sa ulo nyahahahaha PANALO YUNG MASCOT NA YON!!!

pero kung wichelles mo bet mag-effort, come as you are ka na lang. wa pa gumagawa nitech. ever. basta umentra ka na lang sa stage nang naka-pekpek shorts, waing bra tapos naka-t shirt na bigay ng DARE o kaya ng DOH o kahit aneklavung pambahay kahit may punit pa talaga itu o bakas nung nasunog habang super plantsa yung merMAID niyong si kiray. pag linibak ka ng press isplukara mez na ang tunay na kagandahan e lumilitaw kahit naka-daster ka lang nyahahahaha!!! TARUZH PA DIN!!!

3.Q and A
dito nagkaka-alaman tsaka nagkakasubukan kung sineklavu sa mga byukonera yung kabog, yung ligwak at yung nadaan lang sa muk-up. sa monument na itech nagpapawis ang mga kili-kili at mga singit-singit, lalu na kung batuhin ka ng mga tanong na kalalim-laliman ampotah. may ganung factor talaga, kala mo pagandahan lang.

kaya dapat in touch ka sa mga current ebents at nagbabasa ka ng YES magazine (UY, plugging!!!). dapat alam mo yung sagot ni ylmas bektas sa sagot ni anabelle rama sa sagot ni ruffa sa tanong nina tito boy at tita christy sa DA BUZZ!!! dapat nagmamatalino ka tsaka kritikal-kritikalan mag-isip na nahahanapan mo talaga ng konek ang pagkakakulong ni paris hilton sa kaguluhan sa iraq at sa gutom sa aprika kahit wala naman talaga silang kinalaman sa isa't isa. basta ang ending, pag na-getlak mo yung korona tutulong ka sa maysakit nyahahahaha .. wa talagang konek.

kakaloka yung shopetbahay nung friendship ni atashi na sumali daw sa ginoong pilipinas cheverlyn o mr pogi eklat. ewan, di ko ka-sure kung alin alin alin sa kanila. basta yung pageant na naga-outsource ng byukonero sa mr world, yun na yon. eh yung boylet na yon e bata pa ata e ginu-groom nang byukonero. todo gym, todo facial, todo vitamins, todo ebrithing. yan yung tinatawag na karir moves. nakaligtaan lang nila na may quiz pala.

sa question en answer portion daw e tinanong yung boyletz, "nakakasama ba o hindi nakakasama ang gera sa pilipinas?"

sabi nung boyletz, "nakakasama po ..." tapos monument of saylenz. dead air itu. antagal daw. tapos lumapit uli siya sa mic. "Opo, nakakasama po ... (pause) ... ang gera sa pilipinas." yun lang.

eh hindi ata na-getz nung judge o nung emcee na wala nang kadugtong yung sagot nung boyletz kaya yung ending daw e nag-antayan silang tatlo kung sineklavu unang magsasalita hehehe

pero siyempers andiyan din yung mga pa-cute tsaka patawang tanong ng mga nagpapa-cute tsaka nagpapatawang judge. dun sa isang miss gay na napuntahan ko (wit ako sumali ha, mega-watch lang akiz) phone in question nung jisang judge, "kung bibigyan ka ng pagkakataong tanungin ang sarili mo, anong tanong yon?"

napalunok si bakla. im sure iniisip niya na tinatarantado siya o di kaya sinasabotahe ni judge. hiyawan yung taumbayan kasi wa ma-ispluk si bakla. napapahiya na siya.

napalunok uli siya. nagtaas ng kilay. humingang malalim tapos lumapit sa mikropono. sagot niya, azz in sa tonong nagtataray talaga, "... bakit ako?"

nasagot talaga yung tanong ng isa pang tanong, davah??? e ayaw paawat nung judge. humirit pa itu ng, "bakit ... bakit yon??"

e sky-rocketing high na yung buhay na buhay na kilay ni bakla. gusto nang tumalon mula sa noo niya. nagtataray na talaga itu. sagot ng byukonera, "at bakit naman hindi?" sabay projek tapos talikod tapos balik sa pwesto.

palakpakan ang madla. winner si bakla.

DIOSA AKO

DIOSA KAMI...PROUD TO BE VEKLA
bakit masaya maging shokla. itech ang ilan sa mga dahilan kez na nagiging motivation ko pag may nang-lalait saking mga isda:

1. kapantay ng karapatan mong lumafang at juminom e ang karapatan mong mang-okray.

2. pag nang-okray ka, ok lang. natutuwa ang mga sho-obelles. pag mga straight ang nang-okray, laitera sila at jogsak sa good morals and conduct.

3. may i in...vitation ka sa mga nomohan at party-partihan ng madlang pipol kasi masaya kang kasama ... parang comedian.

4. tenk you tenk you sa salitang bakla, keri niyong pagchikahan ang mga crushness mez o kaya okrayin ang kairita kahit sa jorapan nila kasi wiz ka nila intiendez.

5. ma at pa ka mga norms norms churvah na yan kasi ipinanganak kang pasaway.

6. lapitin ka ng mga effectionate na lulurki kasi plentious ka nang gelay friends at gusto nilang magpalakad sayo.

7. noong highschool, keri mo lang mag-CAT kasi forever lilim lang ang platoon juliet a.k.a. flower platoon.

8. laging may phone in question sayez kung effect sa kanila yung damit o kung oily kanilang fez, as if exfert ka sa beauty ang fashion, kaya in the end keri mo lang magmaganda.

9. salamat sa gaydar, one look (or smell) at knows-line chinatown mo na kung sinechuwara ang gay, boy, bakla, kyomboy, pati mga pahada at pa-paysung amongst all the king's horses ang all the king's men.

10. at you hab d best op both werlds. knows mo ang feeling isang legitimate na lulurki at knows mo rin ang feelinggaz ng jisang girlalu, minus the dismenorrhea ... and d sticky peeling ... ewe ... tama ba spelling? ay! dead ma sa baranggay, hindi ko kasi nararanasan yan ...

at P.S., we make sure na diyosa kami -- sa isip, sa pananamit at sa balat -- di tulad ng mga jologitong isda ...

the krissy effect

ECHOSERANG CONYO.....th krissy effect

It’s so nakaka-irritates na talaga, Krissy. I’m supposed to make pahinga na tonight, but all I see and hear in all forms of media is puro you na lang. And the media naman, they make kagat and treat you like a national issue. Who makes pake about your personal life ba?

Not me.

Who makes pake if James Yap makes subok to seduce you? Even though it’s so hirap... to believe, like what Atty. Kapunan made sabi in a statement, you should be thankful. I mean, it’s not everyday naman that you get to be seduced, di ba? And to think na it’s James Yap pa who, you made sabi, was seducing you. You’re maswerte pa, girl!

Why don’t you give in na lang to his hilig? It’s not like rape naman, you know, if you’ll just make bigay your consent. Don’t be pakipot kasi, it’s not so bagay. And you’re definitely not 16 anymore, so don’t make arte like it’s your first time.

And bakit it took you so tagal to file your reklamo? Why only now? Is it because Heart and Chiz are like making the headlines, and you kinda make dama that you’re being left behind? Insecure much, ha. You have so many issues sa katawan. That’s not maganda anymore, like totally!

Krissy, don’t be so papansin. The universe does not make ikot around you. You may be a star, but you’re not the araw where the planeta makes ikot. And if ever you’re like the center of the sanlibutan, you still don’t have the right to make papansin. Even the sun sets nga every night and the clouds make takip it pa.

Oh, and there’s like a BREAKING balita now. You said you will quit showbiz? OMG! This is so laking balita. As in! It’s so important we should make kalimot na the Sabah issue, the Maguindanao massacre and the elections. Krissy, you already! If there’s one tao who can make it on page 1 of the newspaper with a simple kembot, that’s you. One pinky toast to you!

But you know what? If you’re like seryoso with your resignation, it’s gonna be the most saya moment for me. Alam mo why? ‘Cause the media will finally stop covering you. I will no longer make kita you on TV, will not make dinig your 10,000 decibel voice and, most of all, will no longer have kalaban with my conyo accent. Ha ha ha! Ooops, there tuloy. I make gaya to you na.

Sorry.

My advise to you, Krissy. Just do it. Don’t make dalawang isip pa with your decision. Make it final na that you’re gonna make alis na sa showbiz. You’ll do more good to this country that your kuya is trying to fix if you’re like quitting na talaga. Promise! I sure am gonna miss you if you make bye-bye na for good, but I think I can live with that naman. Oh, this is so ka-excite much.

So, Krissy, for our kapayapaan of mind, the offer to resign still stands. Is it a deal or no deal?

d' madapacking strangers

Ang Pinoy pag nakasalubong mo at inunahan mong batiin, ngingiti at ngingiti ‘yan. Mamya na mag-iisip kung saan lupalop ka ba talaga niya nakilala. “Wer da hell did I meet dat sheet?”. Dugo-dugo gang kaya ‘yun? Madapacking sheet, siya ba ‘yung pumisil ng pwet ko sa pila ng sakayan? Baka siya ‘yung nang-snatch ng cellphone ko, nangingiti kasi nakita na niya ‘yung mga sikret video scandals ko nakupo! Madalas ‘pag nababato ako on my way to opis, nagti-trip akong kumaway o mag- gud morning sa mga nakakasalubong sabay tawag ng ‘Unkyel o Auntie’. Makati is a city of strangers, they’re just there to do business, nothing more. Kaya gustong gusto ko ‘yung weird expression nila pagkatapos mong batiin. Tapos dahan-dahang ngingiti na rin. Bahala silang mag-isip kung san nila ako nakilala dahil di naman talaga nila ako kilala. He he. Kung minsan, nakikipag-it-bulagaan ako sa mga makukulit na bata sa loob ng bus. ‘Yung mga bata ‘pag kinulit mo, tawa na ng tawa, hindi naman ako si Kokey. That just makes my day.
Dami na ring nangyari sa ‘kin dito sa Maynila. Sa araw-araw na kasasakay ng dyip at standing position sa bus, nagkaroon na ako ng masteral studies sa amuyan ng kili-kili. Alam ko na kung gumamit ng Old Spice ‘yung katabi ko, Secret o kaya kalamansi na binudburan ng tawas. Mortal enemy ko lang talaga ‘yung mga amoy putok. Di ko alam kung mabaho sila o talagang maluwang lang ang ilong ko. Anlalaki rin ng bilbord ni Kris Aquino dito, kitang kita ko na ‘yung malalaking pores nya sa mukha. Ansarap tirahin ng dart at gawing dart board.
Sa isip ko dati, pag nakatungtong na ‘ko sa Maynila, hahanapin ko si Pong Pagong. Lumaki ako sa mga kwento ng Batibot. Kaya hanggang ngayon, nagbabatibot pa rin ako. Hindi ko na nasundan ang lab layf ni Pong Pagong. Sabi sa kin ng siraulo kong pinsan, nakapag-asawa si Pong ng isang hot chick sa Amerika. Suspetsa ko, baka nga tatay ng Teenage Mutant Ninja Turtles si Pong Pagong.
Number one lesson dito, hindi mo hawak ang buhay mo. Hawak ng driver. Ito ‘yung tipong, if the driver messes up, he’s messing up your life. Tatlong klase lang ang mga tao dito – Adik, airheads o tulad kong mabait. Adik ang tawag ko sa mga nakakatabi ko sa bus na sarap na sarap mangulangot sabay pahid kung saan saan. Walang manners ang mga putek, at least ako binibilog ko.
You also get amazed of the things you can get used to. Sa araw-araw na buhay, ordinaryo na sa paningin ko ‘yung mga pulubing pakyut, rugby boys na hip hop, at mga MMDA na nagsasabi ng ‘Ser, pangkape lang’. Bakit ba hingi sila ng hingi ng pangkape? Pag minsan hiningan ulit ako ng pangkape, talagang bibigyan ko na mga yan ng Nescafe 3-in-1.
Everything is surreal. Kaya huwag papabulag sa fame en fortune. Tandaan, the only thing real in dis world is love and sex. Ulit, love and sex.

SIMPLENG KABUTIHAN


Kelangang pumasok ng maaga sa opis. Tapos na ang mahabang breyk kaya rush hour na naman ‘to na walang katapusan. Maaga pa lang pero punuan na ang mga bus papasok. Buti na lang may naupuan pa rin.ako. Em jas beri lucky today. Kaso sa may bandang Boni, may humabol na sumakay. Nagmamadali si lola. Isa-isang tumingin sa mga pasahero si lola, naghahanap ng mauupuan. Walang gumagalaw. Ngayon ko lang na-realize, yari pala sa bato ang betlogs ng mga taga-Maynila. Wala talagang may gustong tumayo at magbigay ng upuan. Tangena, mukang pangatlong araw ko na ‘tong bibinggo sa pagbibigay ng upuan. Hindi muna ako gumalaw, naghihintay kung sino ang ma-touch move.
Nung Lunes, may sumakay na tatay na nakasaklay kasama ang anak, binigay ko na ‘yung upuan ko dahil nahihirapan akong tignan ‘yung itsura ng tatay na akay-akay ang anak, nakatayo, at may mga nakatusok na mga bakal sa paa na kasinhaba ng antenna. At dahil good boy ako nung araw na ‘yun, hindi ko na rin tinanong kung kaya bang makasagap ng tv reception ‘yung antenna nya sa paa.
Martes, pauwi na ako sakay pa rin ng bus, may mag-asawa namang sumakay. Dahil punuan na, sa sahig sila naupo malapit sa driver. Lasing ‘yung lalake at nagpupumilit bumaba. Kung anu-anong sinasabi. ‘E kung gustong ibangga ‘to ng driver, pati tayo patay’. Wow. Frustrated madam auring ata si manong, nangengealam sa gustong gawin ng driver. At dahil naiistorbo ako sa aking seryosong pangungulangot, nilapitan ko ang mag-asawa at tinanong kung gusto nila ‘yung upuan ko. Hindi ako mabait. Gusto ko lang makakita ng dalawang senior citizen na nagkakandungan sa bus. At nangyari nga ang gusto kong mangyari. Ang erotic pala nila.
Miyerkules. Ngayon. Duduling-duling pa ‘yung mata ko sa magdamagang panonood ng korean porno kagabi at di pa nakakarekober ng husto. [Nadiskubre kong sagrado pala ang bulbol ng mga Koreana at Haponesa kaya hindi nila ito tini-trim. Buti na lang pala at hindi ganun ang pananaw nating mga Pinoy. Kung nagkataon, malamang pinaparada natin ang mga sagradong bulbol sa araw ng kapistahan habang pinupunas-punasan ng puting panyo ng mga deboto.] Punuan pa rin ang bus. At sumakay nga si lola. Nasa bandang looban ako kaya safe, sa isip ko. Padedma epeks na lang akong tumingin sa bintana. Hayzz, ang ganda ng tanawin. At anlambot ng upuan. Dalawang oras akong makakatulog nito at mag-iimagine ng kung anu-ano. Maya-maya, hindi pa nakakalayo nang pumara si lola. Hindi yata kaya mag-standing position kaya bababa na lang daw. Taragis talaga ‘tong mga kasabayan kong city boys. Wala man lang nagbigay ng upuan. Hindi pala bato ang betlogs ng mga taga-Maynila. Yari ito sa adobe, at ang kaliwang betlog naman ay yari sa bakal. Dahil nga hindi ko naman maatim na bumaba si lola, binigay ko kay lola ang aking ‘precious’ na upuan at bubulong-bulong na tumayo. ‘Papa Jesus, utang mo ‘to sa akin ah, sana may gumanti din ng kabutihan sa lola ko kung asan man siya ngayon’.
Dalawang oras akong nakabitin sa estribo. Patulog-tulog habang humahampas ang katawan sa north-east- west-south na direksiyon. Buti na lang hindi umariba ‘yung ‘morning sickness’ ko, ‘yung bigla na lang titigas ang etits lalo na pag malamig ang paligid. Scandalous. Nangyari sa akin ‘yun last week kaya nakaupo lang ako sa bus hanggang lumampas ako sa aking destinasyon. Kinausap ko muna ng masinsinan ang aking potoytoy at sinabihang, ‘Huminahon ka. Wag kang padalos-dalos sa iyong nararamdaman. Infatuation lang ‘yan!’. Kailangan kasi ng diplomasiya dito. Hindi ito nadadaan sa pagpitik dahil lalong lumalaki. At sa mga katutulad kong nakakaranas ng ganito, malaking tulong ang palagiang pagdadala ng bag para pantakip sa harapan. Oo, ang backpack ay dapat ginagawang frontpack.
Isang tapik sa balikat ang gumising sa kin. ‘Lord ikaw ba yan’, automatic na sagot ko. Si lola pala, pababa na sa bandang Guadalupe. ‘Anak, salamat ha’. May kasamang ngiting nagsasabi ng ‘Yowr my hero talaga’. ‘Okay lang po ‘yun’. Nakakatanggal talaga ng ngalay ang simpleng pasalamat. Dahil malapit na, hindi na rin ako umupo. Tumayo na lang malapit sa driver na nagtatanong. ‘Bos, san ka ba?’. Tinuro ko ‘yung malapit sa tabi ng nagtitinda ng mani, ‘Dun sa tabi’. Alam kong hindi nagbababa dun ang mga bus, sa kabila pa ang babaan mga isang kilometro tapos nilalakad ko na lang pabalik. E tinanong nung driver, sinagot ko lang. Kaya nagtaka ako ng binaba ako sa saktong lugar. ‘Sige na bos, okay lang ‘yun, para sulit naman ‘yung pagtayo mo ng matagal’, natatawang sabi ng driver. Natawa na din ako. ‘Sige salamat din’. Hehe. Naisip ko, hindi ko pala kailangang gumawa ng isang higanteng kabutihan para maging perpekto ang galaw ng mundo. Mali ‘yung iniisip ko na walang nakakakita sa ginagawang kabutihan ng tao. Hindi lang ‘yung nasa taas ang nakakakita, pati ‘yung mga nasa paligid mo, north-east- west-south na direksiyon. Na-realize ko, madaling makahawa ang isang simpleng kabutihan. Baka nga sa ginawa mo o gagawin mo ay naka-inspire ka pa ng iba. Hayyzz, it’s a good day today.

IN a DAYS work

Anhirap maipit sa trapik. Andun ka sa lang upuan mo habang inaantay mong maubos ang iyong napakaimportanteng oras sa napakawalang kwentang bagay. Kung meron mang makabuluhang pwedeng gawin habang nasa trapik, ‘yun ay ang pamamasyal ng daliri sa ilong at perpektong pagbilog ng kulangot para maging hugis sago. At pag hindi perpekto ang pagkakabilog, pwede mong ipahid sa katabing upuan para may isa na namang kaluluwa ang mapapasigaw ng ‘Hesusmaryosep’ at muling manumbalik-loob sa panginoon. Meron ka na namang isang kaluluwang naisalba. Plus point ka kay Papa Jesus pag ganun.
Pagkatapos ng trapik ay mahaba-haba namang lakaran papuntang opisina. At sa tulad kong nasa Makati, hindi ka pwedeng magmadaling tumakbo. Guwardiyado ang bawat kilos mo at may mga K9 units sa bawat kanto. Pag tumakbo ka at may pasaway na sumigaw ng ‘Magnanakaw!’, malas mo, dahil ikaw ang kauna-unahang almusal ng mga asong mas malaki pa kay Scooby Doo.
Mamya madadaanan ko ulit ang mga bulag na kumbatsero na tumutugtog ng mga kantang kapanahunan ni Kuya Germs sa ibaba ng Landmark Makati. Maghuhulog ako ng piso sa donation box kasabay ng isang payak na panalangin na sana bukas, ibang awit naman maliban kina Imelda Papin at Aegis ang kanilang awitin. Pwede naman ang ‘Hit Me Baby One More Time’ ni Britney Spears o kaya ay’Kagat Labi’ ng Eat Bulaga. ‘Yung isang tambolera nga nila alam kong may potential, pwedeng ipangtapat sa drummer ng Kamikazee. Paniwala ko kasi, kahit mga bulag, may karapatan ding mag-showbiz. Sabi nga ni Happy Slip, ‘Fame is being at the right place, at the right time’. At malay mo, dagdagan ko pa ng dalawang piso ang hinuhulog ko.
At pagdating sa opisina, pukpukan na naman sa trabaho. Suwerte ng kumpanya ko sa akin. Saan ka pa makakahanap ng tulad kong mabait, matalino at kapaki-pakinabang. Di tulad ng boss kong pumapasok lang sa opis para maghapong ngumatngat ng butong pakwan.
At sa maghapon, kelangang makibagay sa iba’t ibang klaseng tao meron sa opisina. May mga taong di makatingin ng diretso pag kausap. Ganung ganun ‘yung isa kong kaopismeyt. ‘Uy musta na? Life is great ‘no?’, tuwang tuwang kinakamayan ako habang sa kisame nakatingin. Gustong gusto ko ngang hawakan sa ulo at iayos ang direksiyon.
At pagkatapos ng maghapong trabaho sa opisina, muling sasakay pauwi, at magbakasakaling hindi matatrapik, tulad ng pagbabakasakaling pumuti ang betlogs sa patuloy na paggamit ng papaya soap. Asa ka pa. Muli, mangungulangot at magsasalba ng kaluluwa. Kung hindi naman trip ang magpahid ng kulangot sa katabing upuan, pwede mong ipahid sa panyo ang mga nalikom na kulangot at gawing ‘connect-the-dots’ mamya pagdating sa bahay pag di ka na busy. Malay mo makabuo ka ng isang hugis giraffe, may maituro kang kapakipakinabang sa pamangkin mo tungkol sa kalikasan. Maliban sa pag-dial sa ilong, wala na akong maisip na ibang pwedeng magawa pag trapik. Owell, pwede kang mag-imagine na katabi mo lahat ng miyembro ng EB Babes na pinapaypayan ka, minamasahe at sinusubuan ng ubas, pero dahil nagbabasa nitong blog ang BebeKo, sasabihin kong hindi ko gawain ‘yun.